Feed on
Posts
Comments

Tag Archive 'Pinoy culture'

LP-Tsokolate

Kung ikaw ay isa sa mga libo-libong(? pero di ako kasali dun) tao na nakabasa ng aklat na Twilight o dili kaya ay nakapanood ng pelikulang ito baka sakaling makahiligan mo ang lahok ko sa linggong ito. Ito ang mga paniking kulay tsokolate na matatagpuan sa kuweba sa Samal Island. Talaga namang kikiligin ka at hihimatayin sa kakaibang amoy nila - makapigil hininga talaga! Kailangan mong pigilang huminga kasi baka bumaliktad ang iyong sikmura sa sangsang ng amoy nila. Pero sa tutoo lang, ka-kyut naman sila sa malapitan, di ba? Baka isa sa kanila yung bida sa Twilight, no? Papa-kiss ka ba?

Samal_09

Samal_01

Samal_10

Sali na kayo!


Read Full Post »

Matagal tagal na ding panahon mula nang ako’y huling lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan sa LP. May iba-iba kasing panahon at kulay ang buhay ng tao. Nag-iiba ang mga nakagawian at may mga pagbabagong hindi maiiwasan. Bagamat sa aking pakiramdam ako ay naging prodigal pansamantala, may mga araw na iniisip ko kung kailan ako magkakapanahon na makalahok na muli dahil ito ay naging bahagi na ng aking buhay. Kaya mga kapatid kong ka-LP pipilitin kong makabawi sa mga “homework” ngayong taong ito. Pasensya na lamang po mga klasmeyt pero kahit naman po ako’y absent di ko naman po inalis ang aking LP id dito sa aking tahanan sa internet.  Kung inyo pong mamarapatin, narito po ang aking mga lahok - para sa linggong ito at para na din sa nakaraan. Ito ay ilan sa mga eksena sa makulay kong daigdig.

Narito ang aking mga lahok para sa mga nakaraang linggo:

LP-Pula 

Ito marahil ang pinakasikat na pula sa buong mundo. Kahit saan, kahit kailan kasama sa mga pagsasalo, saksi sa mga kabanata ng ating buhay, malungkot man o masaya. Nakakadagdag buhay daw ito, ika nga. Pero sa aking sariling pagkakaalam, ito ay tunay na nakakadagdag balakang.

(kuha sa Sampaguita Gardens sa Aklan kung saan makikita ang Precious Moments na mga manika)

LP-Asul

Ang kulay asul karaniwan ay sumisimbolo ng kapayapaan, kahinahunan at katahimikan. Subalit pag ito ay nahaluan ng kulay itim ito ay nagiging madilim at maaring magpahiwatig ng kalungkutan o nagbabadyang bagyo. 

(kuha sa Boracay  noong nakaraang Oktubre 2008)

at para sa linggong ito narito ang aking lahok

LP-Kahel

Ang paglubog ng araw ay sumisimbolo ng pagtatapos o pagwawakas, pamamaalam at pagpapahinga mula sa isang araw ng gawain. Minsan malungkot isipin ang pagtatapos subalit mayroon din syang angking kakaibang kagandahan na nagbibigay kapayapaan sa kalooban… ang unti-unting paglaho ng araw ay nagbibigay daan para ang liwanag naman ng buwan ang syang maging tanglaw sa dilim. Kung hindi lulubog ang araw, hindi mo makikita ang buwan at ang mga bituin, di ba?

(kuha sa Boracay noong Oktubre 2008)

Pasensya na mga ka-LP ha, pero sana tuloy-tuloy na ulit ako sa pagsali linggo- linggo.

Para sa mga nais lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan at mga piling akda sa sarili nating wika sumali na kayo sa Litratong Pinoy. 


Read Full Post »

It’s a special day to be proud thanks to Manny “Pacman” Pacquiao, woohoo! The dream match is over and we have overcome (well, it’s a vicarious feeling on my part). I started watching boxing matches thanks to my dad’s impartation.  Every Sunday he would turn his rocking chair towards the TV armed with his can of Pale Pilsen, an adobo pandesal sandwich or two and watch boxing reruns on TV. Those were some of our unique bonding times (I’m sure he has a good seat right now where he is and he is enjoying every bit of it — (sigh) I miss him so.) I once caught a glimpse of him watching Manny Pacquiao’s earlier fighting days when he was still young and skinny. It’s amazing what he has accomplished since then.

Today, I join the rest of the country as we rejoice in the knowledge that he has made boxing history. We got to watch the fight after we had just finished our Sunday Service and I think I was the noisiest ‘female’ cheering every punch he landed - I thought for a minute if I was embarrassing myself but after a while I couldn’t care less (dyahe? hindeh!)  It is indeed a proud day to be Pinoy! Nanalo tayo daddy! Mabuhay ang pambansang kamao!

 

Blog Widget by LinkWithin

Read Full Post »