Acts Manila performances at the Cultural Center of the Philippines. My second ballet video
Credits: Ms. Chelo Gemina, Artistic Director-Acts Manila
photography: Tes Pedrosa-Tirol
Acts Manila performances at the Cultural Center of the Philippines. My second ballet video
Credits: Ms. Chelo Gemina, Artistic Director-Acts Manila
photography: Tes Pedrosa-Tirol
Tes was out today for a photo shoot. She does the post production aspects of the team (i.e. editing and layouts). Since the activies started quite early, she had to stay overnight at a good friend’s house close to the shoot location. In her rush, she almost left her things last night. Just imagine if she left home without her clothes, dental care items, day cream, etc. Oh my…what a nightmare would it have been for her. She would have come home to me very grumpy. Good thing she remembered her things. The photo shoot went very well also.
Ito ang Caliraya Lake Watershed kung saan kami ay nakisali sa pangalawang yugto ng tree planting event ng Napocor nung nakaraang taon. Dito namin itinanim ang mga seedlings na una naming ipinunla sa Angat Dam nursery. Makikita rito ang hanay ng mga maliliit na puno na balang araw magsisilbing proteksyon ng watershed na ito upang ito ay mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon. Isang maliit na kontribusyon para mapangalagaan ang ating kalikasan, makatulong sa pag-mitigate ng climate change at para sa kinabukasan ng ating mga anak.

(solar eclipse 7/22/09 approx 11 am Philippines)
Nakakakilabot isipin na maaari kang mabulag sa simpleng pagtingin lamang sa araw. Ang aking akala ay puede nang gamitin ang negatibo ng camera para sumilip sa eklipse na ito kaninang umaga subalit ako ay medyo natakot kasi baka mabulag ang aking mata. Mabuti na lamang at tumawag ang aking kabiyak at tinuruan ako kung paano tignan ang naturang eklipse. Sabi nya ay kumuha daw ako ng batya at lagyan ko ng tubig at doon namin masdan ng aking mga anak ang araw sa reflection nya sa tubig. Ako ay naaliw at naisipan kong kunan ito. In-under expose ko ang kuha at nagmukhang gabi ang larawan pero masaya na ako at ako ay nakakuha ng ilang matinong shot. Narito ang isa pang kuha na medyo maaaninag ang aming bubong at ang gilid ng batya.
Ayos ba? Puede na din maglaba pagkatapos.

Hapi LP mga kapatid!
Ikaw ba ay nakaranas na ng pagkatuyot? Mawalan ng inspirasyon sa mga karaniwang nakahiligang gawin? Siguro lahat ng tao ay may mga panahon ng tagtuyot. Tulad ng panahon, may mga araw na sagana ang ulan at may mga araw na sagana sa wala.
Mabuti pa ang halaman na ito. Kahit tagtuyot siguradong hindi sya mauubusan ng kanyang inipong tubig. Ako kaya, paano kaya ako mag-iipon para sa panahon ng tagtuyot?

LP-Kandado
Ito ay isa sa pintuan papalabas sa tarmac ng Legazpi Airport sa Albay . Ito ay nakasarado at walang pasaherong makalabas sapagkat ang aming Cebu Pacific flight papuntang Maynila ay nadelay dahil sa masamang panahon. Kami ay naipit sa paliparan ng mahigit sa dalawa o tatlong oras yata sa kasagsagan ng promo ng Cebu Pacific na sila ang airline na “always on time”. Kamuntik na talaga kaming hindi makauwi ng di oras sapagkat pinahinto ang mga eroplanong papalabas ng Maynila. Akala ko ay magiging preso na kami sa airport. Habang naghihintay ay pinagpiyestahang kong kunan na lang ang Mayon na natatabunan ng ulap. Mabuti na lamang at mayroong eroplanong dumating at pinayagang magbiyahe pabalik ng Maynila. Hay salamat! Nakauwi din kaming mag-anak. Baka kung hindi ay gayahin ko si Bonifacio at maglabas na ako ng itak para punitin ang aking sedula, este tiket pala.
LP – Dito Lang.
Dito lang sa isla ng Pan-ay matatagpuan ang pinakamalaking kampana sa Asya. Sa sobrang laki nya at sa sobrang kitid din ng kampanaryo ay di ko ito makunan nang buo. Mga bahagi lamang nya at ang mga salitang nakasulat sa bukana ng kampanaryo na nagsasaad na siya nga ang pinakamalaking kampana sa Asya. Ito ay mga kuha ko ng kami ay umuwi sa Capiz (probinsya ng pamilya ng aking kabiyak) noong isang taon.

Simbahan ng Pan-ay
sa harap ng simbahan
sa bukana ng kampanaryo
sideview ng kampana
pansinin nyo ang kalembang kumpara sa kampana sa likod
eto ang isa pang view.
THE COMPANY OF ACTS MANILA together with the advanced classes from ICA and VCIS:
(Music : Vivaldi/ Violin Concerto In G Minor, Op. 8/2, RV 315, “The Four Seasons (Summer)” – 3. Presto)
These are shots I took during the Technical Dress Rehearsal and the actual show of “Noah’s Ark and other ballets” held at the CCP Little Theatre last May 2009. I turned them into my first youtube video.
Special thanks to : Ms. Chelo B. Gemina, Artistic Director of The Company of Acts Manila. (accepting corporate dance engagements and collaborative artistic projects)
Comments are welcome.
TFL!
Bawat linggo ng LP na hindi ako nakakalahok naitatanong ko sa aking sarili kung imposible ba ito. LOL Salamat na lamang at ang aking mga proyekto ay tapos na at puede na ako ulit sumali ng mas madalas. Sa wakas eto na ang aking lahok para sa linggong ito sa temang:
IMPOSIBLE BA ITO?
(ang mga litrato sa itaas ay kuha sa tabi ng Manila Ocean Park – Manila Bay, ironic di ba? )
Nakalulungkot isipin at nakapanghihinayang talaga na ganito ang nangyayari sa ating kapaligiran. Napakayaman ng ating bansa kung yamang kalikasan din lang ang pag-uusapan subalit napakapobre ng ating mentalidad pagdating sa pangangalaga nito. Lahat ng ito ay kagagawan ng ISA. Isang supot, isang balot ng kendi, isang patpat ng pisbol, isang walang pakialam na tao. Pagsamasamahin natin ang bawat ISA na iyon, ganito ang ating kahahantungan.
Kawawa naman ang susunod na henerasyon. Baka manahin na lang nila ang isang buong dagat ng basura at kakarampot na tubig. Imposible ba itong bigyan ng solusyon? Palagay ko hindi. ISA lang naman ang kailangan di ba? Isang bata. Isang matanda. Isang mayaman. Isang mahirap. Isang may pinag-aralan. Isang mangmang. ISAng taong may pagmamahal at pagmamalasakit para sa ating bayan na ibubulsa ang maliit na basura at itatapon sa tamang basurahan. Alam ko ikaw yun kaibigan.
Hapi LP mga kapatid!
Pagkaraan na naman ng mahabang pagkawala, ako’y nagbabalik muli sa lingguhang pagbabahagi ng mga piling larawan sa LP. Parang angkop na angkop ang aking pakiramdam na tila ako’y nagsisimula sa simula kasi ang dami kong absent lagi. Ito’y dahil sa mga di maiiwasang kaganapan sa buhay na kailangang harapin. Mabuti na lang mahaba ang pasensya ng aking mga ka-litratista.
Sa linggong ito nais kong ibahagi ang isa sa mga pinagkaabalahan ko kung bakit ako’y parang kabuteng lulubog-lilitaw sa aking blog.
Ito ay mga larawang kuha ko sa PASINAYA sa CCP noong buwan ng Pebrero. Ang PASINAYA ay isang taunang selebrasyon na ginaganap sa Cultural Center of the Philippines na naghuhudyat ng pagsisimula ng isang buong taong pagtatanghal ng iba’t ibang sining. Ito ay isang araw ng pagdiriwang na kinabibilangan ng mga piling pagtatanghal sa larangan ng pag-awit, pag-sayaw, tugtog at lahat na ng klaseng sining para magkaroon ng sapat na kaalaman at kamalayan ang ating mga kababayan sa natatanging yaman ng ating kultura.
(Philippine Madrigal Singers)
(Ballet Manila Dance Company)
(CCP Open House Pasinaya Banner – Star Theatre)
Salamat sa pagbisita.
Ating itaguyod ang ating kultura. Katulad ng nasa awitin ni Manny Pacquiao isang karangalan ang maging isang Filipino “…Sa lupa kong sinilangan. Pilipino, Pilipino, Pilipino. Ang lahi ko! ”
Maligayang LP sa lahat!
LP-Puso
Sa aming paglalayag noong kapaskuhan, binalak naming pumunta sana sa Geothermal Power Plant sa Mt. Apo para ipakita sa aming mga tsikiting ang pangalawang pinakamalaking planta ng alternatibong enerhiyang geothermal sa buong mundo subalit nasa kalahati pa lang kami ng aming biyahe ay di na nakayanan ng aming sasakyan ang biyahe at unti-unti na syang naghingalo at nawalan ng “power” kaya kami ay napilitang huminto sa tabing daan. Kami pala ay napadpad na sa boundary ng Kidapawan, Cotabato at sa aming pagkagulat, mayroon palang magandang pahingahan na pang-turista dito kaya ang aming pagka-unsyami at panghihinayang ay medyo parang nabuhusan na ng malamig na tubig.
Dito ko natagpuan ang kakaibang puno na ito na aking pinagdiskitahan. Labis akong naaliw kasi dahil ang hugis at pagbagsak ng mga dahon nya ay tila hugis puso kaya siya ay talagang aking piniktyuran. Ako ay napangiti sa aking sarili at tunay na namangha – may ‘sense of humor’ din pala ang Dakilang Maylikha. Kahit saan, kahit kailan sa kahit anong paraan puede syang magsalita, magparamdam na lab naman nya kami – kunsuelo de amor kahit kami ay nasiraan ng sasakyan. :)
Makigulo sa mga kapusong ka-LP! Tara lets na (iklik ang kamera para makisali):
I’m in a blogging mood this morning so I think I’ll update my blog a bit and then some. I’ve been out the past few days coz my in-laws were here for a visit and I had a few layout jobs to finish for TDS (The Daily Scrapper) and some friends as well. I was also invited by a friend to photoshoot for her at the CCP’s Pasinaya last Sunday. We met at Festival Mall Alabang right after our Sunday Service here in Sta. Rosa and me and my family rushed to Alabang to meet her at Starbucks Festi. Thank God for convenient coffee franchises! It makes meet ups so much easier.
We arrived at the CCP early for rehearsals and blocking. Fortunately, I had the chance to practice my shots and test my camera’s settings before my friend’s ballet company came on. I’m not done with all the editing, but I am quite happy with the shots I took this time. The photography class I took last year has helped me a lot and I’m slowly taking ownership of my little Oly.
Here are a few of the shots I took during the event. Most of them taken with these settings (except the outdoor shots) with my Olympus E410 :
Shutter priority 1/100,ISO 1600, F4, no flash
The colors of PASINAYA at the Star Theatre backstage entrance
A Ballet Philippines poster on the sidewalk
A few shots from Ballet Manila’s version of High School Musical
(i like how the basketballs are suspended in mid-air in this shot)
here’s another one:
and here’s one of my faves, i love how the hair and the skirt swirl was captured :
this is the last one I’ve post-processed, the Madrigal Singers, the Philharmonic Orchestra and one of the company members of Ballet Philippines in mid-air:
Hopefully, I can work on more of the shots I took this weekend. So that’s it, pansit! Catch y’all later!
LP-Tsokolate
Kung ikaw ay isa sa mga libo-libong(? pero di ako kasali dun) tao na nakabasa ng aklat na Twilight o dili kaya ay nakapanood ng pelikulang ito baka sakaling makahiligan mo ang lahok ko sa linggong ito. Ito ang mga paniking kulay tsokolate na matatagpuan sa kuweba sa Samal Island. Talaga namang kikiligin ka at hihimatayin sa kakaibang amoy nila – makapigil hininga talaga! Kailangan mong pigilang huminga kasi baka bumaliktad ang iyong sikmura sa sangsang ng amoy nila. Pero sa tutoo lang, ka-kyut naman sila sa malapitan, di ba? Baka isa sa kanila yung bida sa Twilight, no? Papa-kiss ka ba?

LP- Lila
Ito si Lila, isang di pangkaraniwang bulaklak na natagpuan ko sa gilid ng daan. Nakayuko… nakatungo… parang di nya alam na siya ay kakaiba… na ang kulay niya ay kulay ng mga hari at reyna. Di nya alam na siya’y mahalaga at may silbi ang kanyang buhay. Tila baga mayroon siyang pilit inaabot… ang kanyang maninipis na brasong tila sabik sa yakap at pagmamahal… nangungulila… naghahanap ng kasagutan. Sana balang araw ay mamulat ang kanyang kaisipan na siya ay mahalaga… siya ay maharlika… may silbi at nakatadhana para sa isang di pangkaraniwang kinabukasan.
Ako, madalas kong makalimutan na ako’y nilikha ng Maykapal bilang isang lila. Sa aking isipan ako ay hindi lila, kung hindi isang alila… sunod-sunuran na lang sa hampas ng hangin. Sana ay lagi kong maalala na ang bawat tao ay nilikha ng may kabuluhan, may patutunguhan, may kinabukasan. Ikaw anong palagay mo? Lila o Alila?
Sali na sa Litratong Pinoy, kaibigan!
Matagal tagal na ding panahon mula nang ako’y huling lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan sa LP. May iba-iba kasing panahon at kulay ang buhay ng tao. Nag-iiba ang mga nakagawian at may mga pagbabagong hindi maiiwasan. Bagamat sa aking pakiramdam ako ay naging prodigal pansamantala, may mga araw na iniisip ko kung kailan ako magkakapanahon na makalahok na muli dahil ito ay naging bahagi na ng aking buhay. Kaya mga kapatid kong ka-LP pipilitin kong makabawi sa mga “homework” ngayong taong ito. Pasensya na lamang po mga klasmeyt pero kahit naman po ako’y absent di ko naman po inalis ang aking LP id dito sa aking tahanan sa internet. Kung inyo pong mamarapatin, narito po ang aking mga lahok – para sa linggong ito at para na din sa nakaraan. Ito ay ilan sa mga eksena sa makulay kong daigdig.
Narito ang aking mga lahok para sa mga nakaraang linggo:
LP-Pula
Ito marahil ang pinakasikat na pula sa buong mundo. Kahit saan, kahit kailan kasama sa mga pagsasalo, saksi sa mga kabanata ng ating buhay, malungkot man o masaya. Nakakadagdag buhay daw ito, ika nga. Pero sa aking sariling pagkakaalam, ito ay tunay na nakakadagdag balakang.
(kuha sa Sampaguita Gardens sa Aklan kung saan makikita ang Precious Moments na mga manika)
LP-Asul
Ang kulay asul karaniwan ay sumisimbolo ng kapayapaan, kahinahunan at katahimikan. Subalit pag ito ay nahaluan ng kulay itim ito ay nagiging madilim at maaring magpahiwatig ng kalungkutan o nagbabadyang bagyo.
(kuha sa Boracay noong nakaraang Oktubre 2008)
at para sa linggong ito narito ang aking lahok
LP-Kahel
Ang paglubog ng araw ay sumisimbolo ng pagtatapos o pagwawakas, pamamaalam at pagpapahinga mula sa isang araw ng gawain. Minsan malungkot isipin ang pagtatapos subalit mayroon din syang angking kakaibang kagandahan na nagbibigay kapayapaan sa kalooban… ang unti-unting paglaho ng araw ay nagbibigay daan para ang liwanag naman ng buwan ang syang maging tanglaw sa dilim. Kung hindi lulubog ang araw, hindi mo makikita ang buwan at ang mga bituin, di ba?
(kuha sa Boracay noong Oktubre 2008)
Pasensya na mga ka-LP ha, pero sana tuloy-tuloy na ulit ako sa pagsali linggo- linggo.
Para sa mga nais lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan at mga piling akda sa sarili nating wika sumali na kayo sa Litratong Pinoy.