Posts Tagged ‘nature photography’

LP-Nakakakilabot

Thursday, July 23rd, 2009

(solar eclipse 7/22/09 approx 11 am Philippines)

Nakakakilabot isipin na maaari kang mabulag sa simpleng pagtingin lamang sa araw. Ang aking akala ay puede nang gamitin ang negatibo ng camera para sumilip sa eklipse na ito kaninang umaga subalit ako ay medyo natakot kasi baka mabulag ang aking mata. Mabuti na lamang at tumawag ang aking kabiyak at tinuruan ako kung paano tignan ang naturang eklipse. Sabi nya ay kumuha daw ako ng batya at lagyan ko ng tubig at doon namin masdan ng aking mga anak ang araw sa reflection nya sa tubig. Ako ay naaliw at naisipan kong kunan ito. In-under expose ko ang kuha at nagmukhang gabi ang larawan pero masaya na ako at ako ay nakakuha ng ilang matinong shot. Narito ang isa pang kuha na medyo maaaninag ang aming bubong at ang gilid ng batya. :) Ayos ba? Puede na din maglaba pagkatapos. :)

Hapi LP mga kapatid!