LP-Kandado
Ito ay isa sa pintuan papalabas sa tarmac ng Legazpi Airport sa Albay . Ito ay nakasarado at walang pasaherong makalabas sapagkat ang aming Cebu Pacific flight papuntang Maynila ay nadelay dahil sa masamang panahon. Kami ay naipit sa paliparan ng mahigit sa dalawa o tatlong oras yata sa kasagsagan ng promo ng Cebu Pacific na sila ang airline na “always on time”. Kamuntik na talaga kaming hindi makauwi ng di oras sapagkat pinahinto ang mga eroplanong papalabas ng Maynila. Akala ko ay magiging preso na kami sa airport. Habang naghihintay ay pinagpiyestahang kong kunan na lang ang Mayon na natatabunan ng ulap. Mabuti na lamang at mayroong eroplanong dumating at pinayagang magbiyahe pabalik ng Maynila. Hay salamat! Nakauwi din kaming mag-anak. Baka kung hindi ay gayahin ko si Bonifacio at maglabas na ako ng itak para punitin ang aking sedula, este tiket pala.















