Posts Tagged ‘litratong pinoy’

Mahilig ka ba sa Twilight?

Thursday, February 5th, 2009

LP-Tsokolate

Kung ikaw ay isa sa mga libo-libong(? pero di ako kasali dun) tao na nakabasa ng aklat na Twilight o dili kaya ay nakapanood ng pelikulang ito baka sakaling makahiligan mo ang lahok ko sa linggong ito. Ito ang mga paniking kulay tsokolate na matatagpuan sa kuweba sa Samal Island. Talaga namang kikiligin ka at hihimatayin sa kakaibang amoy nila – makapigil hininga talaga! Kailangan mong pigilang huminga kasi baka bumaliktad ang iyong sikmura sa sangsang ng amoy nila. Pero sa tutoo lang, ka-kyut naman sila sa malapitan, di ba? Baka isa sa kanila yung bida sa Twilight, no? Papa-kiss ka ba?

Samal_09

Samal_01

Samal_10

Sali na kayo!

Si Lila

Sunday, February 1st, 2009

LP- Lila

Ito si Lila, isang di pangkaraniwang bulaklak na natagpuan ko sa gilid ng daan. Nakayuko… nakatungo… parang di nya alam na siya ay kakaiba… na ang kulay niya ay kulay ng mga hari at reyna. Di nya alam na siya’y mahalaga at may silbi ang kanyang buhay. Tila baga mayroon siyang pilit inaabot… ang kanyang maninipis na brasong tila sabik sa yakap at pagmamahal… nangungulila… naghahanap ng kasagutan. Sana balang araw ay mamulat ang kanyang kaisipan na siya ay mahalaga… siya ay maharlika… may silbi at nakatadhana para sa isang di pangkaraniwang kinabukasan.

Ako, madalas kong makalimutan na ako’y nilikha ng Maykapal bilang isang lila. Sa aking isipan ako ay hindi lila, kung hindi isang alila… sunod-sunuran na lang sa hampas ng hangin. Sana ay lagi kong maalala na ang bawat tao ay nilikha ng may kabuluhan, may patutunguhan, may kinabukasan. Ikaw anong palagay mo? Lila o Alila?

Sali na sa Litratong Pinoy, kaibigan!

 

 

Ang makulay na pagbabalik ko sa LP

Thursday, January 22nd, 2009

Matagal tagal na ding panahon mula nang ako’y huling lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan sa LP. May iba-iba kasing panahon at kulay ang buhay ng tao. Nag-iiba ang mga nakagawian at may mga pagbabagong hindi maiiwasan. Bagamat sa aking pakiramdam ako ay naging prodigal pansamantala, may mga araw na iniisip ko kung kailan ako magkakapanahon na makalahok na muli dahil ito ay naging bahagi na ng aking buhay. Kaya mga kapatid kong ka-LP pipilitin kong makabawi sa mga “homework” ngayong taong ito. Pasensya na lamang po mga klasmeyt pero kahit naman po ako’y absent di ko naman po inalis ang aking LP id dito sa aking tahanan sa internet.  Kung inyo pong mamarapatin, narito po ang aking mga lahok – para sa linggong ito at para na din sa nakaraan. Ito ay ilan sa mga eksena sa makulay kong daigdig.

Narito ang aking mga lahok para sa mga nakaraang linggo:

LP-Pula 

Ito marahil ang pinakasikat na pula sa buong mundo. Kahit saan, kahit kailan kasama sa mga pagsasalo, saksi sa mga kabanata ng ating buhay, malungkot man o masaya. Nakakadagdag buhay daw ito, ika nga. Pero sa aking sariling pagkakaalam, ito ay tunay na nakakadagdag balakang.

(kuha sa Sampaguita Gardens sa Aklan kung saan makikita ang Precious Moments na mga manika)

LP-Asul

Ang kulay asul karaniwan ay sumisimbolo ng kapayapaan, kahinahunan at katahimikan. Subalit pag ito ay nahaluan ng kulay itim ito ay nagiging madilim at maaring magpahiwatig ng kalungkutan o nagbabadyang bagyo. 

(kuha sa Boracay  noong nakaraang Oktubre 2008)

at para sa linggong ito narito ang aking lahok

LP-Kahel

Ang paglubog ng araw ay sumisimbolo ng pagtatapos o pagwawakas, pamamaalam at pagpapahinga mula sa isang araw ng gawain. Minsan malungkot isipin ang pagtatapos subalit mayroon din syang angking kakaibang kagandahan na nagbibigay kapayapaan sa kalooban… ang unti-unting paglaho ng araw ay nagbibigay daan para ang liwanag naman ng buwan ang syang maging tanglaw sa dilim. Kung hindi lulubog ang araw, hindi mo makikita ang buwan at ang mga bituin, di ba?

(kuha sa Boracay noong Oktubre 2008)

Pasensya na mga ka-LP ha, pero sana tuloy-tuloy na ulit ako sa pagsali linggo- linggo.

Para sa mga nais lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan at mga piling akda sa sarili nating wika sumali na kayo sa Litratong Pinoy. 

Hooray! I get to blog today!!!

Friday, December 5th, 2008

Notice my “Christmas” header? That’s how long I’ve been gone I think. I miss ‘da blog’ and I’m starting to feel like a guest around here … IN MY OWN BLOG (LOL) but the hubby has been so nice enough to pitch in for me while I finished all the deadlines that were swamping me. I just finished two projects last night, one of them I’m so excited about. Actually, both and more. Woohoo! (Warning: long post -> because I missed blogging so much :P )

First off, The TDS 2008 Catalog!!! The Daily Scrapper is the brainchild of designer Alice Koh and it’s the first online scrapbooking newspaper ever. I love working with this publication because I’ve always wanted to be a journalist/writer at heart so this satisfies that inner ‘artsy craving’ in me. So one of the TDS projects this year is the first year-end ‘The Daily Scrapper (TDS) 2008 Catalog Ezine’ to be released anytime now depending on which time zone you are in. I’m so happy to be part of the making of this catalog. It’s really a unique way to showcase some of the wonderful talent of digiscrappers out there. AS IN! Special mention goes to all those wonderful ladies who worked hard behind the scenes on this project like Karen Maggie (our project coordinator), Joanne Hubbard (awesome layout artist!), Amysout, Melrio & Ruth Melody (all template geniuses), JJstar (one Hybrid Hot Mama) and of course awesome editor-in-chief Alice Koh (who works 25 hours and more each day). I hope I didn’t miss out on anyone.

And guess what? there are two ‘bebots’ featured there! (Of course, I’m so proud of them and because all these bebots have some really serious talent. Go bebots!)  I think I have to keep track of how many exclamation points I have in this post hahaha.  Congrats to Buge and Len Escobar for being featured in it. You girls rock!  Here’s a teaser of the catalog and what’s in store for you.

If you enjoy reading the TDS newspaper, you’ll love going through this one of a kind E-zine. And there’s more -> lots of freebies are included in it like kits contributed by designers Amy Sumrall, Irene Alexeeva, and Jenn Balding and templates by the TDS Layout Artist Team.

Soon to hit the stands! Check it out at the TDS Store.

So what else have I been doing? Well, I just completed a four-week basic photography course sponsored by Isuzu Philippines at the Alabang branch taught by photojournalist Antonni Cuesta. I am so happy with what I’ve learned through this course because now I have a little technique to back up the artsy side of my “shots”. Thanks, teacher Toni! I learned a lot. Maybe I’ll have time to be active in Litratong Pinoy again and use all this technical know how. Although the classes have ended, they have a contest ongoing for those who attended the course. All our entries will be on display bet Dec. 8 onwards in the following Isuzu showrooms – Alabang, Pasig and Cavite and will be subject to voting by the public. So in case you drop by one of these showrooms or you are window shopping for a new car this holiday season – Check out my entries and vote for me (pretty please? -> betty boop eyes)

What else did I do? I attended my first local make and take ‘paper’ scrapping event. Yes, Virginia … this girl still plays with paper, glue and scissors. I got to go to Merry Jane Lim’s store – Rekindled Moments near PCU Taft and went ‘paper scrapping’ shopping. I got to pick up a few inking techniques too from a demo done by Cookie Aguilar. Thanks Jane and Cookie! Now to find the time to do all that as well.

In the middle of all that, the hubby and I attended the Kumon Parent Conference held at the Intercontinental Hotel a few Saturdays ago. I was quite pleasantly surprised that the guys at the registration table were smiling not at me or the hubby but at our son. Guess what? It turns out that my son was their featured poster boy so he was kinda like a celebrity on his own with all these Kumon teachers so happy to see him in person. Even Kumon Philippines President Nakamura was quite amused.

Here are some pics:

Guest Speaker Maricel Laxa-Pangilinan

The Intercon Ballroom

Up close and personal

Really up close and personal :) ( FYI, he’s homeschooled)

Of course, not to mention, the annual Kumon National Advanced Students Honor Roll (ASHR) where for the first time in his whole Kumon awards life I didn’t get to attend because dd was sick and we both had to stay home, plus the ASHR Christmas Party at our Kumon Center in LBA where both my kids brought home their medals.

(shaking hands with Kumon Phils. President Nakamura at the SMX Convention Center)

with Teacher JB G. and Laurence L. at the LBA ASHR Christmas Party

this time dd got to attend and with medals to boot, yipee!

Is there more you say?  That’s what happens when you don’t get to blog hahaha. Well, the hubby and I have a couple of projects up our sleeves but they are still incubating so when it’s ready to hatch, you’ll find out about it right here.

Okay, that’s quite an update. I’ve said a whole mouthful. Check back once in a while, I think I have a freebie up in the air as a Christmas present for y’all. Now back to you, ‘ga!

Ciao for now!

LP#20-Liwaliw

Thursday, August 14th, 2008

Tamang-tama po ang temang ito sapagkat ito po ang dahilan kung bakit ako nawala nang pansamantala. Ako po ay nag-liwaliw ng konti kasama ang aking pamilya at ng aking mga biyenan at kami ay kung saan saan napadpad sa Maynila at Makati gaya nang makikita sa mga sumusunod na larawan. Dahil ako po ay taga-probinsya, sa siyudad naman kami naglagalag.

Ito ang tanawin sa tapat ng aming condotel na tinirahan sa Taft Ave. At ang nasa larawan ay ang baseball diamond ng La Salle – Taft. :D Ganda ng view di po ba? :P

Eto ang ebidensya na ito po ay La Salle.

Dahil ako ay taga-probinsya, wala pong ganitong gusali na matatanaw sa gabi kaya sinamantala ko nang kumuha ng litrato sa gabi. First-timer lang po ako sa ganitong uri ng kuha at wala din po akong tripod (nakasandal lang po ako sa pader he he) kaya medyo ganyan ang naging resulta.

Eto naman po ang tanawin pag tumingin naman ako sa gawing kanan ng gusali. Ang Manila Sunset na di ko makita ang sun.

Ito naman po ay kuha sa siyudad ng Makati sa labas po ng Shangrila Hotel.

At ang pangwakas na tagpo sa dalawang linggo ng aming pagliliwaliw ay ang ‘curtain call’ sa palabas na “Cinderella” na tinanghal sa CCP.

Makigulo na sa mga lagalag na blogistang litratista sa Litratong Pinoy!

 

LP#16 – Luntian

Thursday, July 17th, 2008

Magtanim ay di biro

Maghapong nakayuko

Di naman makatayo

Di naman makaupo

Lalo na kung gubat

Ang gusto mong itanim :P

Ito ay isa sa mahigit 10,000 punla na naitanim namin nung kami ay mag-tree planting nung nakaraan. 9,999 ang di ko nakunan :D

Makigulo at makisali sa mga blogistang litratista sa LP. Baka umabot tayo sa mahigit 10,000 din di ba? Klik mo na ang kamera sa ibaba – dali!

 

LP#15-Balingkinitan

Thursday, July 10th, 2008

Sa linggong ito ang aking lahok ay may kasamang kwentong walang kwenta kasi kalokohan lang. Ito ay isang maikling kwento sa isang araw sa buhay ni TingTing.

Ito si Tingting. Pangarap niyang maging isang sikat na ballerina balang araw kaya’t pilit nyang pinapanatili na magaang ang kanyang timbang. Kahit sya ay nasa handaan namimili sya ng kanyang kinakain para lang hindi sya tumaba kaya hayan ang mga braso tuloy nya parang alambre at ang kanyang mga binti ay parang lapis.

Isang araw naimbitahan si Tingting sa isang handaan at sya’y pinalibutan ng sangkatutak na pagkain. Sa sobrang tagal na nyang pagtitipid sa pagkain di na nya napigilan ang kanyang sarili at inubos nya ang mga banyera ng pagkaing nakapalibot sa kanya. Palihim lang sya ngumuya para hindi sya mahalata at mahuli. Madalas na nyang istilo ito pag sya’y naiimbitahan sa handaan pero sa pagkakataong ito nahuli sya sa akto. Di nya kasi alam may paparazzo sa tabi nya at huling-huli syang may hawak na pagkain. 

 

Mula noon, nagpagawa sya ng paldang malapad na may mga bulsa sa ilalim na may mga maliliit na supot sa bawat bulsa. Doon ay pasimple nyang sinisilid ang mga handang hindi nya mapagpiyestahan ng lantaran at inuuwi na lang nya sa bahay para doon kainin. Take-out na lang di ba?

WAKAS.

Marami pang nakakaaliw na lahok dito. Iklik mo lang ang kamera sa ibaba at makipaparazzi ka na din!

 

 

LP#14 – Tatak Pinoy

Thursday, July 3rd, 2008

TATAK – simbolo ng pagkakakilanlan; tanda; marka; nagpapakita ng mga katangiang natatangi at naaangkop sa isang partikular na tao, bagay, lugar o pangyayari.

Isa sa masasabi kong TATAK ng isang Pilipino ay ang pagiging MASAYAHIN. Kahit anong bagyo, kahit anong unos, kahit anong pagsubok, kahit anong hirap na dinadanas sa buhay, lagi tayong may nakikitang bagay na nakakatawa at nakakaaliw, hindi ba? 

Masdan nyo sila, bukod sa pagiging isa sa masasabing may tunay na tatak na Pinoy – ang ating mga katutubo, masayahin sila di ba?

(ang mga nasa larawan ay ang mga katutubo nating Dumagat na

naninirahan sa Angat Watershed.)

happy to be Litratistang Pinoy!

I-klik mo ang kamera para makakita pa ng iba pang lahok!

 

 

LP#13-Pag-aaral

Thursday, June 26th, 2008

Dito ko po inilagay ang aking lahok sa linggong ito sapagkat mayroon na po akong mga maikling akdang naisulat nang nakaraan tungkol sa pag-aaral na pandagdag kaalaman na din po sa inyo.

Ang aming eskwelahan ay wala pong uniporme, walang school bus, walang baon at puedeng mag-recess kahit anong oras. Ito po ay sa kadahilanang kami po ay nagho-homeschool. Kaya ang aming bahay ang eskwelahan ng aming mga anak. Hindi po biro itong gawin, may mga araw na tinatanong ko ang aking sarili kung bakit ko ginagawa ito dahil hindi naman po ako isang gurong propesyonal.  Ngunit sa bandang huli kahit ito’y mahirap alam ko na ito ay isa sa mga kayamanang maipapamana ko sa aking mga anak na hindi matatawaran ng kahit anupaman. 

Ang mga libro sa larawan ang  ginagamit namin ng aking kabiyak sa pagturo sa aming mga anak. (Akin po yung Filipino kasi Bisaya si mister, eh baka mag-iba ang talasalitaan ng aming mga chikiting kung siya ang magturo kaya akin po yung subject na iyon). :D

Here’s an excerpt from a previous post I made about homeschooling. This isn’t the literal translation of the above but the sentiments are the same.

“… Hence, our house is not your typical house. It is filled with books, books and more books all over. It is where our children are educated. It is not a perfect school but I know that our intents for their best interests is the driving force that pushes us to persevere. Our aim is to educate and raise them to fulfill all their potential. This is what burns in our hearts. Our home is our school and school is in the heart of our home… “

 

You can read more about the above excerpt and the rest of our homeschool journeys from my previous posts here:

The Well-Trained Mind- A guide to classical education at home

Home is School and School is Home

FOOD FOR THOUGHT - Some famous people who were homeschooled:

Educators

    Fred Terman (President – Stanford) 
    William Samuel Johnson (President Columbia) 
    John Witherspoon (President of Princeton) 

Generals

    Stonewall Jackson 
    Robert E. Lee 
    Douglas MacArthur 
    George Patton 

Inventors

    Alexander Graham Bell 
    Thomas Edison 
    Cyrus McCormick 
    Orville Wright & Wilbur Wright 

Artists

    Claude Monet 
    Leonardo da Vinci 

Presidents

    George Washington 
    Thomas Jefferson 
    John Quincy Adams 
    James Madison 
    William Henry Harrison 
    John Tyler 
    Abraham Lincoln 
    Theordore Roosevelt 
    Woodrow Wilson 
    Franklin Delano Roosevelt 

Scientists

    George Washington Carver 
    Pierre Curie 
    Albert Einstein 
    Booker T. Washington 
    Blaise Pascal 

Statesmen

    Konrad Adenauer 
    Winston Churchill 
    Benjamin Franklin 
    Patrick Henry 
    William Penn 
    Henry Clay 

Composers

    Irving Berlin 
    Wolfgang Amadeus Mozart 
    Anton Bruckner 
    Felix Mendelssohn 
    Francis Poulenc 

Writers

    Hans Christian Anderson 
    Charles Dickens 
    Brett Harte 
    Mark Twain 
    Sean O’Casey 
    Pearl S. Buck 
    Agatha Christie 
    C.S. Lewis 
    George Bernard Shaw 

Religious leaders

    Joan of Arc 
    Brigham Young 
    John & Charles Wesley 
    Jonathan Edwards 
    John Owen 
    William Cary 
    Dwight L. Moody 
    John Newton 

Others

    Charles Chaplin – Actor 
    George Rogers Clark – Explorer 
    Andrew Carnegie – Industrialist 
    Noel Coward – Playwright 
    John Burroughs – Naturalist 
    Albert Schweitzer – Physician 
    Tamara McKinney – World Cup Skier 
    Jim Ryan – World Runner 
    Ansel Adams – Photographer 
    Charles Louis Montesquieu – philosopher 
    John Stuart Mill – Economist 
    John Paul Jones – father of the American Navy 
    Florence Nightingale – nurse 
    Clara Barton – started the Red Cross 
    Abigail Adams – wife of John Adams 
    Martha Washington – wife of George W. 
    George Washington – 1st President of the U.S.
    James Madison – 4th President of the U.S. 
    John Witherspoon – President of Princeton U. 
    Benjamin Franklin – inventor and statesman 
    William S. Johnson – President of Columbia C. 
    George Mason

 

Proud to be a homeschooler and a Litratistang Pinoy!

LP#8 – Tubig

Thursday, May 22nd, 2008

Di ko sukat akalain noong una kong makita
Isang tanawing tulad nito na tumambad sa aking mata
Ako ba’y nasa Pilipinas o nasa ibang bansa?
Nakatagong kagandahan ng ating bayan 
Sa Angat Dam Watershed ko nakita.

Maligayang Araw mga ka-LP! 

lp-tubig3-430-x-323.jpg