Tag Archives: litratong pinoy

Home / litratong pinoy
21 Posts

Ito ang makapal na froth sa kape na inorder ng aking kaibigan nung kami ay nagtagpo halos 9 na buwan nang nakalipas. Ako ay hindi palainom ng kape subalit pag ako ay nakakakita ng ganito para bang napakasarap syang inumin… Mainit…Matamis… at May kasamang Masarap na kwentuhan. Hay! Kape-kape muna tayo, mga kalitratista?

Maraming dahilan kung bakit binabalik- balikan ang isang bagay, lugar o tao. Kadalasan ito ay dahil sa mga magagandang  alaala at karanasan na karugtong sa mga ito.  Katulad ng dalawang malaking pula na sapatos na ito na matatagpuan sa isang fast-food sa tabi ng Lasalle-Taft. Mahaba-habang panahon din ang nakalipas bago ako nakabalik sa lugar na ito kung saan ko kinunan ang mga sapatos na ito. Maraming alaalang nagbalik sa akin… mga tagpo ng pakikipag-kwentuhan sa aking matalik na kaibigan habang sinasawsaw ang mga maninipis na patatas sa malamig na sorbetes na may matamis na tsokolate sa ibabaw.  Dito rin sa lugar na ito nagtapat ang aking asawa sa akin ng kanyang saloobin patungkol sa akin. Nag bago na ng kaunti ang lugar na ito katulad namin ng aking kaibigan at ng aking  asawa. Nagbago na ang aming mga timbang. Unti-unti nang nagbabago ang kulay ng aming buhok (para sa aking asawa, medyo dumadami na ang mukha nya hehehe). Subalit ang mga alaala na paulit-ulit kong sasariwain patungkol sa lugar na ito ay di magbabago at bahagi na ng mga kwentong isasalaysay ko sa mga anak ko.

Salamat, mga sapatos na pula.

Sa mga gustong makisali sa lingguhang pagbabahagi ng mga litrato, halina’t sumali sa LP. Isa rin ito sa mga bagay na babalik-balikan mo pag ito ay naranasan mo na. Sali na!

Ito ang Caliraya Lake Watershed kung saan kami ay nakisali sa pangalawang yugto ng tree planting event ng Napocor nung nakaraang taon. Dito namin itinanim ang mga seedlings na una naming ipinunla sa Angat Dam nursery. Makikita rito ang hanay ng mga maliliit na puno na balang araw magsisilbing proteksyon ng watershed na ito upang ito ay mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon. Isang maliit na kontribusyon para mapangalagaan ang ating kalikasan, makatulong sa pag-mitigate ng climate change at para sa kinabukasan ng ating mga anak.

Hapi LP mga kapatid!

(solar eclipse 7/22/09 approx 11 am Philippines)

Nakakakilabot isipin na maaari kang mabulag sa simpleng pagtingin lamang sa araw. Ang aking akala ay puede nang gamitin ang negatibo ng camera para sumilip sa eklipse na ito kaninang umaga subalit ako ay medyo natakot kasi baka mabulag ang aking mata. Mabuti na lamang at tumawag ang aking kabiyak at tinuruan ako kung paano tignan ang naturang eklipse. Sabi nya ay kumuha daw ako ng batya at lagyan ko ng tubig at doon namin masdan ng aking mga anak ang araw sa reflection nya sa tubig. Ako ay naaliw at naisipan kong kunan ito. In-under expose ko ang kuha at nagmukhang gabi ang larawan pero masaya na ako at ako ay nakakuha ng ilang matinong shot. Narito ang isa pang kuha na medyo maaaninag ang aming bubong at ang gilid ng batya. 🙂 Ayos ba? Puede na din maglaba pagkatapos. 🙂

Hapi LP mga kapatid!

Ikaw ba ay nakaranas na ng pagkatuyot? Mawalan ng inspirasyon sa mga karaniwang nakahiligang gawin? Siguro lahat ng tao ay may mga panahon ng tagtuyot. Tulad ng panahon, may mga araw na sagana ang ulan at may mga araw na sagana sa wala. 🙂 Mabuti pa ang halaman na ito. Kahit tagtuyot siguradong hindi sya mauubusan ng kanyang inipong tubig. Ako kaya, paano kaya ako mag-iipon para sa panahon ng tagtuyot?

Hapi lp mga kapatid!

LP-Kandado

Ito ay isa sa pintuan papalabas sa tarmac ng Legazpi Airport sa Albay . Ito ay nakasarado at walang pasaherong makalabas sapagkat ang aming Cebu Pacific flight papuntang Maynila ay nadelay dahil sa masamang panahon. Kami ay naipit sa paliparan ng mahigit sa dalawa o tatlong oras yata sa kasagsagan ng promo ng Cebu Pacific na sila ang airline na “always on time”. Kamuntik na talaga kaming hindi makauwi ng di oras sapagkat pinahinto ang mga eroplanong papalabas ng Maynila. Akala ko ay magiging preso na kami sa airport. Habang naghihintay ay pinagpiyestahang kong kunan na lang ang Mayon na natatabunan ng ulap. Mabuti na lamang at mayroong eroplanong dumating at pinayagang magbiyahe pabalik ng Maynila. Hay salamat! Nakauwi din kaming mag-anak. Baka kung hindi ay gayahin ko si Bonifacio at maglabas na ako ng itak para punitin ang aking sedula, este tiket pala. 🙂

Hapi lp mga kapatid!

LP – Dito Lang.

Dito lang sa isla ng Pan-ay matatagpuan ang pinakamalaking kampana sa Asya. Sa sobrang laki nya at sa sobrang kitid din ng kampanaryo ay di ko ito makunan nang buo. Mga bahagi lamang nya at ang mga salitang nakasulat sa bukana ng kampanaryo na nagsasaad na siya nga ang pinakamalaking kampana sa Asya. Ito ay mga kuha ko ng kami ay umuwi sa Capiz (probinsya ng pamilya ng aking kabiyak) noong isang taon.

Simbahan ng Pan-ay

sa harap ng simbahan

sa bukana ng kampanaryo

sideview ng kampana

pansinin nyo ang kalembang kumpara sa kampana sa likod

eto ang  isa pang view.

Makisali na sa mga litratistang Pinoy dito:

Bawat linggo ng LP na hindi ako nakakalahok naitatanong ko sa aking sarili kung imposible ba ito. LOL Salamat na lamang at ang aking mga proyekto ay tapos na at puede na ako ulit sumali ng mas madalas. Sa wakas eto na ang aking lahok para sa linggong ito sa temang:

IMPOSIBLE BA ITO?

(ang mga litrato sa itaas ay kuha sa tabi ng Manila Ocean Park – Manila Bay, ironic di ba? )

Nakalulungkot isipin at nakapanghihinayang talaga na ganito ang nangyayari sa ating kapaligiran. Napakayaman ng ating bansa kung yamang kalikasan din lang ang pag-uusapan subalit napakapobre ng ating mentalidad pagdating sa pangangalaga nito. Lahat ng ito ay kagagawan ng ISA. Isang supot, isang balot ng kendi, isang patpat ng pisbol, isang walang pakialam na tao. Pagsamasamahin natin ang bawat ISA na iyon, ganito ang ating kahahantungan.

Kawawa naman ang susunod na henerasyon. Baka manahin na lang nila ang isang buong dagat ng basura at kakarampot na tubig. Imposible ba itong bigyan ng solusyon? Palagay ko hindi. ISA lang naman ang kailangan di ba? Isang bata. Isang matanda. Isang mayaman. Isang mahirap. Isang may pinag-aralan. Isang mangmang. ISAng taong may pagmamahal at pagmamalasakit para sa ating bayan na ibubulsa ang maliit na basura at itatapon sa tamang basurahan. Alam ko ikaw yun kaibigan.

Hapi LP mga kapatid!

Pagkaraan na naman ng mahabang pagkawala, ako’y nagbabalik muli sa lingguhang pagbabahagi ng mga piling larawan sa LP. Parang angkop na angkop ang aking pakiramdam na tila ako’y nagsisimula sa simula kasi ang dami kong absent lagi. Ito’y dahil sa mga di maiiwasang kaganapan sa buhay na kailangang harapin. Mabuti na lang mahaba ang pasensya ng aking mga ka-litratista. 🙂

Sa linggong ito nais kong ibahagi ang isa sa mga pinagkaabalahan ko kung bakit ako’y parang kabuteng lulubog-lilitaw sa aking blog.

Ito ay mga larawang kuha ko sa PASINAYA sa CCP noong buwan ng Pebrero. Ang PASINAYA ay isang taunang selebrasyon na ginaganap sa Cultural Center of the Philippines na naghuhudyat ng pagsisimula ng isang buong taong pagtatanghal ng iba’t ibang sining. Ito ay isang araw ng pagdiriwang na kinabibilangan ng mga piling pagtatanghal sa larangan ng pag-awit, pag-sayaw, tugtog at lahat na ng klaseng sining para magkaroon ng sapat na kaalaman at kamalayan ang ating mga kababayan sa natatanging yaman ng ating kultura.

(Philippine Madrigal Singers)

(Ballet Manila Dance Company)

(CCP Open House Pasinaya Banner – Star Theatre)

Salamat sa pagbisita. 😀 Ating itaguyod ang ating kultura. Katulad ng nasa awitin ni Manny Pacquiao isang karangalan ang maging isang Filipino “…Sa lupa kong sinilangan. Pilipino, Pilipino, Pilipino. Ang lahi ko!

Maligayang LP sa lahat!

LP-Puso

Sa aming paglalayag noong kapaskuhan, binalak naming pumunta sana sa Geothermal Power Plant sa Mt. Apo para ipakita sa aming mga tsikiting ang pangalawang pinakamalaking planta ng alternatibong enerhiyang geothermal sa buong mundo subalit nasa kalahati pa lang kami ng aming biyahe ay di na nakayanan ng aming sasakyan ang biyahe at unti-unti na syang naghingalo at nawalan ng “power” kaya kami ay napilitang huminto sa tabing daan. Kami pala ay napadpad na sa boundary ng Kidapawan, Cotabato at sa aming pagkagulat, mayroon palang magandang pahingahan na pang-turista dito kaya ang aming pagka-unsyami at panghihinayang ay medyo parang nabuhusan na ng malamig na tubig.

Dito ko natagpuan ang kakaibang puno na ito na aking pinagdiskitahan. Labis akong naaliw kasi dahil ang hugis at pagbagsak ng mga dahon nya ay tila hugis puso kaya siya ay talagang aking piniktyuran. Ako ay napangiti sa aking sarili at tunay na namangha – may ‘sense of humor’ din pala ang Dakilang Maylikha. Kahit saan, kahit kailan sa kahit anong paraan puede syang magsalita, magparamdam na lab naman nya kami – kunsuelo de amor kahit kami ay nasiraan ng sasakyan.  🙂 

Makigulo sa mga kapusong ka-LP! Tara lets na (iklik ang kamera para makisali):
 

 

LP-Tsokolate

Kung ikaw ay isa sa mga libo-libong(? pero di ako kasali dun) tao na nakabasa ng aklat na Twilight o dili kaya ay nakapanood ng pelikulang ito baka sakaling makahiligan mo ang lahok ko sa linggong ito. Ito ang mga paniking kulay tsokolate na matatagpuan sa kuweba sa Samal Island. Talaga namang kikiligin ka at hihimatayin sa kakaibang amoy nila – makapigil hininga talaga! Kailangan mong pigilang huminga kasi baka bumaliktad ang iyong sikmura sa sangsang ng amoy nila. Pero sa tutoo lang, ka-kyut naman sila sa malapitan, di ba? Baka isa sa kanila yung bida sa Twilight, no? Papa-kiss ka ba?

Samal_09

Samal_01

Samal_10

Sali na kayo!

LP- Lila

Ito si Lila, isang di pangkaraniwang bulaklak na natagpuan ko sa gilid ng daan. Nakayuko… nakatungo… parang di nya alam na siya ay kakaiba… na ang kulay niya ay kulay ng mga hari at reyna. Di nya alam na siya’y mahalaga at may silbi ang kanyang buhay. Tila baga mayroon siyang pilit inaabot… ang kanyang maninipis na brasong tila sabik sa yakap at pagmamahal… nangungulila… naghahanap ng kasagutan. Sana balang araw ay mamulat ang kanyang kaisipan na siya ay mahalaga… siya ay maharlika… may silbi at nakatadhana para sa isang di pangkaraniwang kinabukasan.

Ako, madalas kong makalimutan na ako’y nilikha ng Maykapal bilang isang lila. Sa aking isipan ako ay hindi lila, kung hindi isang alila… sunod-sunuran na lang sa hampas ng hangin. Sana ay lagi kong maalala na ang bawat tao ay nilikha ng may kabuluhan, may patutunguhan, may kinabukasan. Ikaw anong palagay mo? Lila o Alila?

Sali na sa Litratong Pinoy, kaibigan!

 

 

Matagal tagal na ding panahon mula nang ako’y huling lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan sa LP. May iba-iba kasing panahon at kulay ang buhay ng tao. Nag-iiba ang mga nakagawian at may mga pagbabagong hindi maiiwasan. Bagamat sa aking pakiramdam ako ay naging prodigal pansamantala, may mga araw na iniisip ko kung kailan ako magkakapanahon na makalahok na muli dahil ito ay naging bahagi na ng aking buhay. Kaya mga kapatid kong ka-LP pipilitin kong makabawi sa mga “homework” ngayong taong ito. Pasensya na lamang po mga klasmeyt pero kahit naman po ako’y absent di ko naman po inalis ang aking LP id dito sa aking tahanan sa internet.  Kung inyo pong mamarapatin, narito po ang aking mga lahok – para sa linggong ito at para na din sa nakaraan. Ito ay ilan sa mga eksena sa makulay kong daigdig.

Narito ang aking mga lahok para sa mga nakaraang linggo:

LP-Pula 

Ito marahil ang pinakasikat na pula sa buong mundo. Kahit saan, kahit kailan kasama sa mga pagsasalo, saksi sa mga kabanata ng ating buhay, malungkot man o masaya. Nakakadagdag buhay daw ito, ika nga. Pero sa aking sariling pagkakaalam, ito ay tunay na nakakadagdag balakang.

(kuha sa Sampaguita Gardens sa Aklan kung saan makikita ang Precious Moments na mga manika)

LP-Asul

Ang kulay asul karaniwan ay sumisimbolo ng kapayapaan, kahinahunan at katahimikan. Subalit pag ito ay nahaluan ng kulay itim ito ay nagiging madilim at maaring magpahiwatig ng kalungkutan o nagbabadyang bagyo. 

(kuha sa Boracay  noong nakaraang Oktubre 2008)

at para sa linggong ito narito ang aking lahok

LP-Kahel

Ang paglubog ng araw ay sumisimbolo ng pagtatapos o pagwawakas, pamamaalam at pagpapahinga mula sa isang araw ng gawain. Minsan malungkot isipin ang pagtatapos subalit mayroon din syang angking kakaibang kagandahan na nagbibigay kapayapaan sa kalooban… ang unti-unting paglaho ng araw ay nagbibigay daan para ang liwanag naman ng buwan ang syang maging tanglaw sa dilim. Kung hindi lulubog ang araw, hindi mo makikita ang buwan at ang mga bituin, di ba?

(kuha sa Boracay noong Oktubre 2008)

Pasensya na mga ka-LP ha, pero sana tuloy-tuloy na ulit ako sa pagsali linggo- linggo.

Para sa mga nais lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan at mga piling akda sa sarili nating wika sumali na kayo sa Litratong Pinoy. 

Notice my “Christmas” header? That’s how long I’ve been gone I think. I miss ‘da blog’ and I’m starting to feel like a guest around here … IN MY OWN BLOG (LOL) but the hubby has been so nice enough to pitch in for me while I finished all the deadlines that were swamping me. I just finished two projects last night, one of them I’m so excited about. Actually, both and more. Woohoo! (Warning: long post -> because I missed blogging so much 😛 )

First off, The TDS 2008 Catalog!!! The Daily Scrapper is the brainchild of designer Alice Koh and it’s the first online scrapbooking newspaper ever. I love working with this publication because I’ve always wanted to be a journalist/writer at heart so this satisfies that inner ‘artsy craving’ in me. So one of the TDS projects this year is the first year-end ‘The Daily Scrapper (TDS) 2008 Catalog Ezine’ to be released anytime now depending on which time zone you are in. I’m so happy to be part of the making of this catalog. It’s really a unique way to showcase some of the wonderful talent of digiscrappers out there. AS IN! Special mention goes to all those wonderful ladies who worked hard behind the scenes on this project like Karen Maggie (our project coordinator), Joanne Hubbard (awesome layout artist!), Amysout, Melrio & Ruth Melody (all template geniuses), JJstar (one Hybrid Hot Mama) and of course awesome editor-in-chief Alice Koh (who works 25 hours and more each day). I hope I didn’t miss out on anyone.

And guess what? there are two ‘bebots’ featured there! (Of course, I’m so proud of them and because all these bebots have some really serious talent. Go bebots!)  I think I have to keep track of how many exclamation points I have in this post hahaha.  Congrats to Buge and Len Escobar for being featured in it. You girls rock!  Here’s a teaser of the catalog and what’s in store for you.

If you enjoy reading the TDS newspaper, you’ll love going through this one of a kind E-zine. And there’s more -> lots of freebies are included in it like kits contributed by designers Amy Sumrall, Irene Alexeeva, and Jenn Balding and templates by the TDS Layout Artist Team.

Soon to hit the stands! Check it out at the TDS Store.

So what else have I been doing? Well, I just completed a four-week basic photography course sponsored by Isuzu Philippines at the Alabang branch taught by photojournalist Antonni Cuesta. I am so happy with what I’ve learned through this course because now I have a little technique to back up the artsy side of my “shots”. Thanks, teacher Toni! I learned a lot. Maybe I’ll have time to be active in Litratong Pinoy again and use all this technical know how. Although the classes have ended, they have a contest ongoing for those who attended the course. All our entries will be on display bet Dec. 8 onwards in the following Isuzu showrooms – Alabang, Pasig and Cavite and will be subject to voting by the public. So in case you drop by one of these showrooms or you are window shopping for a new car this holiday season – Check out my entries and vote for me (pretty please? -> betty boop eyes)

What else did I do? I attended my first local make and take ‘paper’ scrapping event. Yes, Virginia … this girl still plays with paper, glue and scissors. I got to go to Merry Jane Lim’s store – Rekindled Moments near PCU Taft and went ‘paper scrapping’ shopping. I got to pick up a few inking techniques too from a demo done by Cookie Aguilar. Thanks Jane and Cookie! Now to find the time to do all that as well.

In the middle of all that, the hubby and I attended the Kumon Parent Conference held at the Intercontinental Hotel a few Saturdays ago. I was quite pleasantly surprised that the guys at the registration table were smiling not at me or the hubby but at our son. Guess what? It turns out that my son was their featured poster boy so he was kinda like a celebrity on his own with all these Kumon teachers so happy to see him in person. Even Kumon Philippines President Nakamura was quite amused.

Here are some pics:

Guest Speaker Maricel Laxa-Pangilinan

The Intercon Ballroom

Up close and personal

Really up close and personal 🙂 ( FYI, he’s homeschooled)

Of course, not to mention, the annual Kumon National Advanced Students Honor Roll (ASHR) where for the first time in his whole Kumon awards life I didn’t get to attend because dd was sick and we both had to stay home, plus the ASHR Christmas Party at our Kumon Center in LBA where both my kids brought home their medals.

(shaking hands with Kumon Phils. President Nakamura at the SMX Convention Center)

with Teacher JB G. and Laurence L. at the LBA ASHR Christmas Party

this time dd got to attend and with medals to boot, yipee!

Is there more you say?  That’s what happens when you don’t get to blog hahaha. Well, the hubby and I have a couple of projects up our sleeves but they are still incubating so when it’s ready to hatch, you’ll find out about it right here.

Okay, that’s quite an update. I’ve said a whole mouthful. Check back once in a while, I think I have a freebie up in the air as a Christmas present for y’all. Now back to you, ‘ga!

Ciao for now!

Tamang-tama po ang temang ito sapagkat ito po ang dahilan kung bakit ako nawala nang pansamantala. Ako po ay nag-liwaliw ng konti kasama ang aking pamilya at ng aking mga biyenan at kami ay kung saan saan napadpad sa Maynila at Makati gaya nang makikita sa mga sumusunod na larawan. Dahil ako po ay taga-probinsya, sa siyudad naman kami naglagalag.

Ito ang tanawin sa tapat ng aming condotel na tinirahan sa Taft Ave. At ang nasa larawan ay ang baseball diamond ng La Salle – Taft. 😀 Ganda ng view di po ba? 😛

Eto ang ebidensya na ito po ay La Salle.

Dahil ako ay taga-probinsya, wala pong ganitong gusali na matatanaw sa gabi kaya sinamantala ko nang kumuha ng litrato sa gabi. First-timer lang po ako sa ganitong uri ng kuha at wala din po akong tripod (nakasandal lang po ako sa pader he he) kaya medyo ganyan ang naging resulta.

Eto naman po ang tanawin pag tumingin naman ako sa gawing kanan ng gusali. Ang Manila Sunset na di ko makita ang sun.

Ito naman po ay kuha sa siyudad ng Makati sa labas po ng Shangrila Hotel.

At ang pangwakas na tagpo sa dalawang linggo ng aming pagliliwaliw ay ang ‘curtain call’ sa palabas na “Cinderella” na tinanghal sa CCP.

Makigulo na sa mga lagalag na blogistang litratista sa Litratong Pinoy!