Posts Tagged ‘ccp pasinaya’

LP-Simula Pa Lamang

Thursday, May 7th, 2009

Pagkaraan na naman ng mahabang pagkawala, ako’y nagbabalik muli sa lingguhang pagbabahagi ng mga piling larawan sa LP. Parang angkop na angkop ang aking pakiramdam na tila ako’y nagsisimula sa simula kasi ang dami kong absent lagi. Ito’y dahil sa mga di maiiwasang kaganapan sa buhay na kailangang harapin. Mabuti na lang mahaba ang pasensya ng aking mga ka-litratista. :)

Sa linggong ito nais kong ibahagi ang isa sa mga pinagkaabalahan ko kung bakit ako’y parang kabuteng lulubog-lilitaw sa aking blog.

Ito ay mga larawang kuha ko sa PASINAYA sa CCP noong buwan ng Pebrero. Ang PASINAYA ay isang taunang selebrasyon na ginaganap sa Cultural Center of the Philippines na naghuhudyat ng pagsisimula ng isang buong taong pagtatanghal ng iba’t ibang sining. Ito ay isang araw ng pagdiriwang na kinabibilangan ng mga piling pagtatanghal sa larangan ng pag-awit, pag-sayaw, tugtog at lahat na ng klaseng sining para magkaroon ng sapat na kaalaman at kamalayan ang ating mga kababayan sa natatanging yaman ng ating kultura.

(Philippine Madrigal Singers)

(Ballet Manila Dance Company)

(CCP Open House Pasinaya Banner – Star Theatre)

Salamat sa pagbisita. :D Ating itaguyod ang ating kultura. Katulad ng nasa awitin ni Manny Pacquiao isang karangalan ang maging isang Filipino “…Sa lupa kong sinilangan. Pilipino, Pilipino, Pilipino. Ang lahi ko!

Maligayang LP sa lahat!

Blog Widget by LinkWithin