LP-Dalawa (two)

Home / LP-Dalawa (two)

Maraming dahilan kung bakit binabalik- balikan ang isang bagay, lugar o tao. Kadalasan ito ay dahil sa mga magagandang  alaala at karanasan na karugtong sa mga ito.  Katulad ng dalawang malaking pula na sapatos na ito na matatagpuan sa isang fast-food sa tabi ng Lasalle-Taft. Mahaba-habang panahon din ang nakalipas bago ako nakabalik sa lugar na ito kung saan ko kinunan ang mga sapatos na ito. Maraming alaalang nagbalik sa akin… mga tagpo ng pakikipag-kwentuhan sa aking matalik na kaibigan habang sinasawsaw ang mga maninipis na patatas sa malamig na sorbetes na may matamis na tsokolate sa ibabaw.  Dito rin sa lugar na ito nagtapat ang aking asawa sa akin ng kanyang saloobin patungkol sa akin. Nag bago na ng kaunti ang lugar na ito katulad namin ng aking kaibigan at ng aking  asawa. Nagbago na ang aming mga timbang. Unti-unti nang nagbabago ang kulay ng aming buhok (para sa aking asawa, medyo dumadami na ang mukha nya hehehe). Subalit ang mga alaala na paulit-ulit kong sasariwain patungkol sa lugar na ito ay di magbabago at bahagi na ng mga kwentong isasalaysay ko sa mga anak ko.

Salamat, mga sapatos na pula.

Sa mga gustong makisali sa lingguhang pagbabahagi ng mga litrato, halina’t sumali sa LP. Isa rin ito sa mga bagay na babalik-balikan mo pag ito ay naranasan mo na. Sali na!

About the author

wrote 360 articles on this blog.

12 thoughts on “LP-Dalawa (two)”

  1. Tukayo, Im sending you love and hugs* ..salamat sa pakikiramay. Hamo, nakabantay mga dads natin – nandyan lang sila sa tabi-tabi 🙂

    re: red shoes, kay Ronald ba yan? (^0^)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


*