LP – Proteksyon

Ito ang Caliraya Lake Watershed kung saan kami ay nakisali sa pangalawang yugto ng tree planting event ng Napocor nung nakaraang taon. Dito namin itinanim ang mga seedlings na una naming ipinunla sa Angat Dam nursery. Makikita rito ang hanay ng mga maliliit na puno na balang araw magsisilbing proteksyon ng watershed na ito upang ito ay mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon. Isang maliit na kontribusyon para mapangalagaan ang ating kalikasan, makatulong sa pag-mitigate ng climate change at para sa kinabukasan ng ating mga anak.

Hapi LP mga kapatid!

About the author

wrote 327 articles on this blog.

0saves
If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Tags: , , , , , ,

breaker

14 Responses to “LP – Proteksyon”

  1. Joy says:

    Mabuting endeavor yan! Kudos to you!
    Tagal ko na ring hindi nakabisita sa yo…nice to be back! :)

  2. an2nette says:

    maganda ang layunin, marami ang makikinabang sa hinaharap, maganda ang pagkakakuha ng larawan, happy LP

  3. Thess says:

    Kudos to you and your friends effort! Magandang hangarin, sundan pa nawa ng nakakarami :)

    Happy LP, Teys!

  4. Linnor says:

    sana marami pang ganyang mga projects. para sa atin at sa mga susunod na henerasyon din naman ang pakinabang ng mga watersheds. :)

  5. upto6only says:

    napaka-gandang adhikain nyan. more power to you.

    Happy LP.

  6. Marites says:

    may isang kasabihan na nagsasabing hindi kompleto ang buhay ng isang tao kung hindi siya nakapagtanim ng puno sa tanang buhay niya..napakagandang gawain iyan at sana, mas maraming tao ang gumawa niyan dahil talagang kailangan natin para mapangalagaan ang ating kalikasan. maligayang LP!

  7. sassy mom says:

    Napakagandang layunin.. sana ay maraming makaisip ng ganyan.

  8. Rico says:

    Magandang adhikain yan. Bokod sa nakatutulong kayo sa kapaligiran eh nag eenjoy kayo ng iyong mga kasama.

  9. luna miranda says:

    kapaki-pakinabang talaga ang tree-planting. kudos sa yo at sa iyong mga kasama.

  10. peachy says:

    galing! naglagay ka ba ng proteksyon sa araw?
    ito naman ang aking proteksyon
    Magandang araw ng huwebes kaibigan!

  11. carnation says:

    salamat at kayo ay tumutulong na maging maayos ang ating kapaligiran. ito ang aking lahok http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/07/lp-proteksyon-protection.html

  12. Nortehanon says:

    Saludo po ako sa inyo sa pagbibigay ng panahon sa pagtatanim ng puno at sa pagpapahalaga ninyo sa kalikasan at sa kinabukasan. Sana’y maging bahagi uli ako ng tree planting project katulad mo. Miss ko na ring magtanim ng puno.

  13. ohmygums says:

    Isang napakagandang proyekto lalo na sa kapaligiran….

    Baguhan ako sa LP, sana mabisita mo ako :)

  14. Dinah says:

    isang napakainam na adhikain :-) eto naman ang aking lahok sa temang proteksyon

Leave a Reply

*

CommentLuv badge