
(solar eclipse 7/22/09 approx 11 am Philippines)
Nakakakilabot isipin na maaari kang mabulag sa simpleng pagtingin lamang sa araw. Ang aking akala ay puede nang gamitin ang negatibo ng camera para sumilip sa eklipse na ito kaninang umaga subalit ako ay medyo natakot kasi baka mabulag ang aking mata. Mabuti na lamang at tumawag ang aking kabiyak at tinuruan ako kung paano tignan ang naturang eklipse. Sabi nya ay kumuha daw ako ng batya at lagyan ko ng tubig at doon namin masdan ng aking mga anak ang araw sa reflection nya sa tubig. Ako ay naaliw at naisipan kong kunan ito. In-under expose ko ang kuha at nagmukhang gabi ang larawan pero masaya na ako at ako ay nakakuha ng ilang matinong shot. Narito ang isa pang kuha na medyo maaaninag ang aming bubong at ang gilid ng batya.
Ayos ba? Puede na din maglaba pagkatapos.

Hapi LP mga kapatid!
Tags: litratong pinoy, nature photography, PHOTOGRAPHY, solar eclipse july 2009
















Aba, ang galing ha! Sayang wala akong larawan nito kaya humingi na lamang ako sa aking friend ng kuha niya.
I was waiting for an entry about the eclipse, buti naman at meron.
ay buti ka pa at may kuha ka ng solar eclipse kahapon. Hindi ko na cya naabutan kainis. inuna ko kasi muna ang mag blog hop hehehe.
Happy LP
Hi Teys!
Nice shots! Hindi ko naabutan yang eclipse dahil tulog pa ko. Haha! Naalala ko nung bata pa ko, ginagamit ko namang filter yung plastic ng junk food. Haha!
Happy LP!
Pareho tayong sa tubig din tumingin. Delikado kasi kahit sa film lang di ba. Pinagsabay na lang namin para medyo mas safe hehehe.
Sinipag ako ngayong Hwebes kaya dalawa ang lahok ko. Sana’y mabisita mo pareho.
1. Spooky
2. Scary
sayang, hindi ako nakakuha ng litrato. ang galing ng kuha mo:) gusto ko iyong unang litrato.
ay ang galing! tubig sa batya pala ang katapat n’on! sayang, namiss ko ang eclipse kahapon…
hayyy ako naman ay medyo nainggit dahil gustong gusto ko makita yan kahapon, kaso ay hindi kita dito sa europa
pero masaya na ko sa pic mo, tnx for sharing
nagkaroon nga pala ng solar eclipse =)
parang kabilugan ng buwan. hehehe
ay nainggit nmn ako! inaabangan ko ang eclipse kaso ng mismong araw na, nakalimutan ko
magandang araw!