LP-Simula Pa Lamang

Pagkaraan na naman ng mahabang pagkawala, ako’y nagbabalik muli sa lingguhang pagbabahagi ng mga piling larawan sa LP. Parang angkop na angkop ang aking pakiramdam na tila ako’y nagsisimula sa simula kasi ang dami kong absent lagi. Ito’y dahil sa mga di maiiwasang kaganapan sa buhay na kailangang harapin. Mabuti na lang mahaba ang pasensya ng aking mga ka-litratista. :)

Sa linggong ito nais kong ibahagi ang isa sa mga pinagkaabalahan ko kung bakit ako’y parang kabuteng lulubog-lilitaw sa aking blog.

Ito ay mga larawang kuha ko sa PASINAYA sa CCP noong buwan ng Pebrero. Ang PASINAYA ay isang taunang selebrasyon na ginaganap sa Cultural Center of the Philippines na naghuhudyat ng pagsisimula ng isang buong taong pagtatanghal ng iba’t ibang sining. Ito ay isang araw ng pagdiriwang na kinabibilangan ng mga piling pagtatanghal sa larangan ng pag-awit, pag-sayaw, tugtog at lahat na ng klaseng sining para magkaroon ng sapat na kaalaman at kamalayan ang ating mga kababayan sa natatanging yaman ng ating kultura.

(Philippine Madrigal Singers)

(Ballet Manila Dance Company)

(CCP Open House Pasinaya Banner – Star Theatre)

Salamat sa pagbisita. :D Ating itaguyod ang ating kultura. Katulad ng nasa awitin ni Manny Pacquiao isang karangalan ang maging isang Filipino “…Sa lupa kong sinilangan. Pilipino, Pilipino, Pilipino. Ang lahi ko!

Maligayang LP sa lahat!

About the author

wrote 331 articles on this blog.

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Tags: , , , , , , ,

breaker

12 Responses to “LP-Simula Pa Lamang”

  1. Mirage says:

    Wow!!! patakam pa lang sa talento ng mga pinoy! Ansaya naman!

  2. Buge says:

    Mukhang masaya ang pagdiriwang na yan! Welcome back Teys! :D Happy LP!

    Buges last blog post..Litratong Pinoy: Simula Pa Lamang

  3. ces says:

    ang ganda ng kulay ng mga larawan! pang sining!:) na-miss ka ata namin dito sa LP kapatid:)

    cess last blog post..Litratong Pinoy: Start[ers]

  4. Marc says:

    Nice ang ganda!

    Marcs last blog post..Simula pa Lamang

  5. kiwipinoy says:

    kelan kya ako makakanood ng ganito?

    kiwipinoys last blog post..simula pa lamang…

  6. Marites says:

    gusto kong manood ng mga ganyan:) at tunay ka, dapat nating tangkilikin ang sariling atin higit pa man sa iba.

    Maritess last blog post..Litratong Pinoy#49 Simula Pa Lamang(Just The Beginning)

  7. mommy jes says:

    wow namiss ko tuloy angpagsayaw =) angganda ngshots ah =) maligayang LP! narito ang aking lahok – http://ishiethan.blogspot.com/2009/05/lp-simula-pa-lamang.html

    mommy jess last blog post..LP : Simula Pa Lamang at Ang Tulay

  8. purplesea says:

    ganda nung shot nung mga ballet dancers!

    purpleseas last blog post..LP 56: Simula Pa Lang

  9. sassy mom says:

    Ang gagaling talaga ng talentong Pinoy!

    Magandang Huwebes!

    Eto naman ang aking lahok.

  10. yeye says:

    minsan nangarap din ako maging isa sa mga nagsasayaw tulad ng nasa taas :)

    magandang simula yan :)

    eto naman po ung akin :D

    officially unemployed

    HAPPY HUWEBES KA-LP :D

    yeyes last blog post..officially unemployed – LP#56 Simula pa lang

  11. ang laki ng panghanga ko sa Madrigal Singers

    at magaling yung ballerina :D

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778s last blog post..LP # 56 : Simula Palamang (Just the beggining) …

  12. Marc says:

    absolutely bro!
    kung gusto mo magstart sa ganitong hobby tutulungan kita!
    masarap ng ganitong hobby…happy LP!

    Marcs last blog post..Baterry Operated Toys

Leave a Reply

*
Powered by Sweet Captcha
Verify your real existence,
Drag the bow tie to the car
  • captcha
  • captcha
  • captcha
  • captcha

CommentLuv badge