LP-Puso
Sa aming paglalayag noong kapaskuhan, binalak naming pumunta sana sa Geothermal Power Plant sa Mt. Apo para ipakita sa aming mga tsikiting ang pangalawang pinakamalaking planta ng alternatibong enerhiyang geothermal sa buong mundo subalit nasa kalahati pa lang kami ng aming biyahe ay di na nakayanan ng aming sasakyan ang biyahe at unti-unti na syang naghingalo at nawalan ng “power” kaya kami ay napilitang huminto sa tabing daan. Kami pala ay napadpad na sa boundary ng Kidapawan, Cotabato at sa aming pagkagulat, mayroon palang magandang pahingahan na pang-turista dito kaya ang aming pagka-unsyami at panghihinayang ay medyo parang nabuhusan na ng malamig na tubig.
Dito ko natagpuan ang kakaibang puno na ito na aking pinagdiskitahan. Labis akong naaliw kasi dahil ang hugis at pagbagsak ng mga dahon nya ay tila hugis puso kaya siya ay talagang aking piniktyuran. Ako ay napangiti sa aking sarili at tunay na namangha – may ‘sense of humor’ din pala ang Dakilang Maylikha. Kahit saan, kahit kailan sa kahit anong paraan puede syang magsalita, magparamdam na lab naman nya kami – kunsuelo de amor kahit kami ay nasiraan ng sasakyan. :)
Makigulo sa mga kapusong ka-LP! Tara lets na (iklik ang kamera para makisali):
Tags: Culture, kidapawan, litratong pinoy, PERSONAL, PHOTOGRAPHY, Pinoy culture, Travel

















wow ang galing naman nyan, kung di kayo nasiraan di kayo makaka kuha ng pang LP ngayon =))
mula sa puso eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
Jays last blog post..LP # 45: Puso (heart)
Yan ang perfect example of making lemonade out of lemons – galing naman ng kuha mo – at swak na swak sa tema ngayong linggo!
Pinkys last blog post..LP #45: Puso (o Hugis-Puso)
ang galing ng angle ng iyong pagkakuha, hugis puso nga
happy LP and here’s hoping you have a lovely valentine!
pinings last blog post..Hugis puso
nice imagination!
minsan, kelangan lang natin pansinin mabuti ang kapaligiran para makita ang mga mensahe sa atin ng Dios…kagaya nitong nakita mo sa kalikasan!
talagang meron Syang SOH. kailangan lang nating maging sensitibo upang maramdaman or makita natin …
ayos ah… advance happy hearts day!
linos last blog post..heart…
wow, ang galing! talagang heart-shaped yung tree!
your one is unique…pwede nga din yung sa background nya eh…puso ng saging…hahah! joke. happy vday!
ang aking PUSO ay narito : Reflexes
RoseLLes last blog post..LP: Hearty Snack?
oo nga ano, di ko napansin ang saging hehehe
entry mo yata ang pinaka-unique ngayong Hwebes…you have an excellent eye!
luna mirandas last blog post..Litratong Pinoy: puso (heart)
hello Miss teys.. aba kakaiba ang entry mo.. sumakto ang angle ng pagkakuha mo at nag hugis puso sya..
Magandang Huwebes!! Eto po lahok ko
http://jennys-corner.com/2009/02/litratong-pinoy-puso-heart.html
jennyLs last blog post..Litratong Pinoy: Puso (Heart)
Oo nga ano, hugis puso.. ang galing.
Ang aking lahok ay naka-post dito at ang sa aking kapatid naman ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Hapi Huwebes!
ShutterHappyJenns last blog post..Puso (Heart)
Lahat ng bagay ay may dahilan ika nga…
betchays last blog post..Litratong Pinoy: Puso
ang bait talaga ni GOD he is the man! kung wala siya, di natin maaapreciate ang mga nature made nya
jeniffers last blog post..10 Tips budget for Valentines Day!
sinadya bang tabasin yan ng ganyan? ganda naman!
nga pala, salamat sa pagbisita sa aking site at sa pag iwan ng komento.
Ang galing! Kakaiba ang halamang ito
julies last blog post..Home is Where the Heart Is
kakaiba ito ha. ang galing naman at nakita mo agad ang hugis puso na ito.
maligayang araw ng mga puso ka-LP!
eto naman ang aking lahok: http://www.maureenflores.com/2009/02/litratong-pinoy-puso-heart.html
napaka-ironic naman, papunta kayo sa power plant tapos nawalan kayo ng power, hehehe! pero o di ba, serendipity
kugn hindi kayo nasiraan, hindi mo natye-tempuhan ang punong ito.
happy vday!
uy, ang gandang puso nga nyan
raqgolds last blog post..Tuwalyang Puso
buti na lang matalas ang mata mo! great find itesh
Thesss last blog post..Pakagat ng puso mo! (LP 45)
ang galing! isang pambihirang photo op ang binigay sa inyo ng Lord… hvd!
aba, kakaiba ang punong yan! galing ng kuha mo
happy heart’s day ka-LP!
Jules T Es last blog post..Happy Heart’s Day