LP- Lila
Ito si Lila, isang di pangkaraniwang bulaklak na natagpuan ko sa gilid ng daan. Nakayuko… nakatungo… parang di nya alam na siya ay kakaiba… na ang kulay niya ay kulay ng mga hari at reyna. Di nya alam na siya’y mahalaga at may silbi ang kanyang buhay. Tila baga mayroon siyang pilit inaabot… ang kanyang maninipis na brasong tila sabik sa yakap at pagmamahal… nangungulila… naghahanap ng kasagutan. Sana balang araw ay mamulat ang kanyang kaisipan na siya ay mahalaga… siya ay maharlika… may silbi at nakatadhana para sa isang di pangkaraniwang kinabukasan.
Ako, madalas kong makalimutan na ako’y nilikha ng Maykapal bilang isang lila. Sa aking isipan ako ay hindi lila, kung hindi isang alila… sunod-sunuran na lang sa hampas ng hangin. Sana ay lagi kong maalala na ang bawat tao ay nilikha ng may kabuluhan, may patutunguhan, may kinabukasan. Ikaw anong palagay mo? Lila o Alila?
Sali na sa Litratong Pinoy, kaibigan!
Tags: Culture, litratong pinoy, PHOTOGRAPHY, Pinoy culture


















wow ang ganda, great shot
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
Jays last blog post..Pinoy Street Food #14: Puto Bumbong
Kamusta na ba? Matagal akong hindi nakadalaw dito ah. ng ganda ng bulaklak, naalala ko tuloy ang mama ko kasi madami shang ganyan n inaalagaan. Happy LP!
Gmirages last blog post..Weekend Snapshot – Facade