Ang makulay na pagbabalik ko sa LP

Matagal tagal na ding panahon mula nang ako’y huling lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan sa LP. May iba-iba kasing panahon at kulay ang buhay ng tao. Nag-iiba ang mga nakagawian at may mga pagbabagong hindi maiiwasan. Bagamat sa aking pakiramdam ako ay naging prodigal pansamantala, may mga araw na iniisip ko kung kailan ako magkakapanahon na makalahok na muli dahil ito ay naging bahagi na ng aking buhay. Kaya mga kapatid kong ka-LP pipilitin kong makabawi sa mga “homework” ngayong taong ito. Pasensya na lamang po mga klasmeyt pero kahit naman po ako’y absent di ko naman po inalis ang aking LP id dito sa aking tahanan sa internet.  Kung inyo pong mamarapatin, narito po ang aking mga lahok – para sa linggong ito at para na din sa nakaraan. Ito ay ilan sa mga eksena sa makulay kong daigdig.

Narito ang aking mga lahok para sa mga nakaraang linggo:

LP-Pula 

Ito marahil ang pinakasikat na pula sa buong mundo. Kahit saan, kahit kailan kasama sa mga pagsasalo, saksi sa mga kabanata ng ating buhay, malungkot man o masaya. Nakakadagdag buhay daw ito, ika nga. Pero sa aking sariling pagkakaalam, ito ay tunay na nakakadagdag balakang.

(kuha sa Sampaguita Gardens sa Aklan kung saan makikita ang Precious Moments na mga manika)

LP-Asul

Ang kulay asul karaniwan ay sumisimbolo ng kapayapaan, kahinahunan at katahimikan. Subalit pag ito ay nahaluan ng kulay itim ito ay nagiging madilim at maaring magpahiwatig ng kalungkutan o nagbabadyang bagyo. 

(kuha sa Boracay  noong nakaraang Oktubre 2008)

at para sa linggong ito narito ang aking lahok

LP-Kahel

Ang paglubog ng araw ay sumisimbolo ng pagtatapos o pagwawakas, pamamaalam at pagpapahinga mula sa isang araw ng gawain. Minsan malungkot isipin ang pagtatapos subalit mayroon din syang angking kakaibang kagandahan na nagbibigay kapayapaan sa kalooban… ang unti-unting paglaho ng araw ay nagbibigay daan para ang liwanag naman ng buwan ang syang maging tanglaw sa dilim. Kung hindi lulubog ang araw, hindi mo makikita ang buwan at ang mga bituin, di ba?

(kuha sa Boracay noong Oktubre 2008)

Pasensya na mga ka-LP ha, pero sana tuloy-tuloy na ulit ako sa pagsali linggo- linggo.

Para sa mga nais lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan at mga piling akda sa sarili nating wika sumali na kayo sa Litratong Pinoy. 

About the author

wrote 331 articles on this blog.

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Tags: , , , , ,

breaker

16 Responses to “Ang makulay na pagbabalik ko sa LP”

  1. Thess says:

    Wow wow! I love love your blue and orange entry photos, ganda!!

    welcome back , sister…happy lp =)

  2. julie says:

    Ang ganda ng mga larawan mo Tess, di bale bumawi ka this week

    julies last blog post..Suman at Manggang Hinog

  3. lino says:

    nice… magaganda silang lahat…. happy huwebes…:)

    linos last blog post..orange…

  4. JoyD says:

    3 in one… Maligayang pagbabalik!!!!! gusto ko yung kulay Asul pero magaganda lahat ang kuha mo!!!

    JoyDs last blog post..Litratong Pinoy ( Kahel/ Orange)

  5. RoseLLe says:

    makulay namang talaga at naihabol mo pa…galing. i like your blue and orange photos. ganda! gandang LP po! silipin ang sa akin dito sa Reflexes at Living In Australia

  6. Joy says:

    Kahit nawala ka ng bahagya, bawi rin naman kasi ang gaganda ng mga lahok mo!!!

    Magandang araw!
    Ito ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/01/lp-kahel-orange.html

    Joys last blog post..LP: Kahel (Orange)

  7. adinille says:

    awwww… tagal ko tinitigan yung sunset shot mo :) ang ganda!

  8. tanchi says:

    ang ganda tlga ng last 2 shots:)
    pang travel photos:)

    anyway HAPPY LP!
    visit my entry to:
    KAHEL IS ORANGE PALA?

    tanchis last blog post..Litratong Pinoy: Kahel (Orange)

  9. Ang sarap tignan ng mga litrato..iba ibang kulay!

    Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!

    ShutterHappyJenns last blog post..Kahel (Orange)

  10. jennyL says:

    aba 3 entry sa 1 post.. ako rin matagal nawala sa LP.. anway, loves ko yung 3rd photo sa boracay.. super ganda ng sunset nila no kelan kaya me makapunta don.. ganda shots..

    btw i added u sa flckr acct ko ha…

    Happy LP .. eto po sa akin
    http://jennytalks.com/2009/01/lp-ponkan-na-ponkan.html
    http://jennys-corner.com/2009/01/litratong-pinoy-orange-kahel.html

    jennyLs last blog post..Litratong Pinoy: Orange (Kahel)

  11. Jay says:

    i love your boracay pix….yan ang mga pix na di ko nakuha noong nasa boracay ako :(

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jays last blog post..LP # 42: Kahel (Orange)

  12. johanna says:

    lovely photos, tita tes! i like the asul and kahel shots. so pretty! ;)

  13. Linnor says:

    ang linaw ng mga kulay pula, asul at kahel mo and i love your last shot the most :)

    Linnors last blog post..Orange

  14. Eloise says:

    nakuuu parang gusto ko nang magpunta sa boracay…BUKAS!!!

    ang gaganda ng kuha mo…happy LP!

    Maligayang pagbabalik

    http://missy.dgonzalos.com/litratong-pinoy-kahel/

    Eloises last blog post..Litratong Pinoy: KAHEL

  15. Gay Boracay says:

    Interesting stuff, I love Boracay.

Leave a Reply

*
Powered by Sweet Captcha
Verify your real existence,
Put the ice cubs in the cocktail
  • captcha
  • captcha
  • captcha
  • captcha

CommentLuv badge