LP#20-Liwaliw

Tamang-tama po ang temang ito sapagkat ito po ang dahilan kung bakit ako nawala nang pansamantala. Ako po ay nag-liwaliw ng konti kasama ang aking pamilya at ng aking mga biyenan at kami ay kung saan saan napadpad sa Maynila at Makati gaya nang makikita sa mga sumusunod na larawan. Dahil ako po ay taga-probinsya, sa siyudad naman kami naglagalag.

Ito ang tanawin sa tapat ng aming condotel na tinirahan sa Taft Ave. At ang nasa larawan ay ang baseball diamond ng La Salle – Taft. :D Ganda ng view di po ba? :P

Eto ang ebidensya na ito po ay La Salle.

Dahil ako ay taga-probinsya, wala pong ganitong gusali na matatanaw sa gabi kaya sinamantala ko nang kumuha ng litrato sa gabi. First-timer lang po ako sa ganitong uri ng kuha at wala din po akong tripod (nakasandal lang po ako sa pader he he) kaya medyo ganyan ang naging resulta.

Eto naman po ang tanawin pag tumingin naman ako sa gawing kanan ng gusali. Ang Manila Sunset na di ko makita ang sun.

Ito naman po ay kuha sa siyudad ng Makati sa labas po ng Shangrila Hotel.

At ang pangwakas na tagpo sa dalawang linggo ng aming pagliliwaliw ay ang ‘curtain call’ sa palabas na “Cinderella” na tinanghal sa CCP.

Makigulo na sa mga lagalag na blogistang litratista sa Litratong Pinoy!

 

About the author

wrote 331 articles on this blog.

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

Tags: , ,

breaker

22 Responses to “LP#20-Liwaliw”

  1. Linnor says:

    may baseball diamond na nga ba ang la salle noon nung nag-aaral pa ako? katagal na panahon yun. hehehe… marami ka palang pinuntahan sa iyong pagliliwaliw. kasama pati ang panonood ng cinderella. :)

    Linnors last blog post..Liwaliw

  2. Dr Emer says:

    Kay sarap naman ng inyong pamamasyal. Happy LP!

    Dr Emers last blog post..Happy at the Top!

  3. Gizelle says:

    Ang ganda ng set na ito…pinakagusto ko ung litrato ng sunset na walang araw hehe, kahit walang tripod ay ok pa din ang resulta ng night shot! Mukhang enjoy ka sa pamamasyal mo, sana ako din makapasyal uli jan… :D HappyLP!

  4. uy…si lea salonga! kakainggit naman…napanood mo siya…sana magperform din dito sa broadway. di ko siya napanood dati sa les miserables eh…miserable tuloy ako! hehe. :pinch:

  5. Joy says:

    Nakakatuwa ka naman at sa syudad ang iyong pagli-liwaliw. Aliw! hehehe. Mukhang maganda ang Cinderella ah! Galing ni Lea no?

    Joys last blog post..LP: Liwaliw

  6. Mayet says:

    oh! la! la! naalala ko tuloy ang aking Kulasa days–noong mga panahong kinikilig sa La Salistang cute!!

    Mayets last blog post..Liwaliw/Going out and having fun

  7. ang ganda naman nung baseball field. akala ko sa ibang bansa! mukhang ang ganda ng pwesto mo sa palabas ng cinderella, ah? sarap ng liwaliw mo!

    Ang litrato ko ngayong linggo ay kuha noong nakaraang LP eb. Daan ka DITO kung gusto mo masilip. Maraming salamat. Hapi Huwebes!

    ShutterHappyJenns last blog post..Liwaliw (Stroll)

  8. julie says:

    Sulit ang pasyal niyo, andami niyo pinuntahan at mukhang nag-enjoy kayo :)

    julies last blog post..Tara Na! Pasyal Tayo

  9. Norm says:

    Ganda ng mga larawan mo tapos ang ganda ni Lea… Liwaliw karin sa site ko ..salaamat..

    Norms last blog post..Litratong Pinoy ( Liwaliw )

  10. gusto ko din mapanood ung Cinderella!!! hanggang kelan ba un? :)

    maligayang LP sayo!!! :)

    carol bustos-santiagos last blog post..LP Liwaliw

  11. ganda ng manila :D

    sardonic nells last blog post..Litratong Pinoy #20: Liwaliw

  12. ettey says:

    ang ganda ng mga larawan! mukang sulit na sulit ang iyong pagliwaliw :)

    etteys last blog post..LP:LIWALIW sa CEBU

  13. lino says:

    nice set… buti pinayagan ka magdala ng camera sa loob ng ccp? how was cinderella? :)

    linos last blog post..liwaliw…(take a trip/to stroll)
    nag-try lang ako sir kasi nung nanood ako ng Cinemalaya puede pala magdala, nanghinayang ako kasi di ako nagdala dahil alam ko bawal – yun pala okay lang kumuha… siguro maluwag din sila nung time na nanood kami kasi matinee show, di naman nagalit yung mga ushers – tinignan lang nila ako :D kasi madami ding paparazzi sa audience :P

  14. wala akong masabi kundi ang saya! :) ang sarap magliwaliw ano?! kailan ko kaya ulit mapapanood sa stage si lea? :D

    happy huwebes!

    Munchkin Mommy: Liwaliw sa Palisades Park
    Mapped Memories: Liwaliw sa Mustangs at Las Colinas

    Munchkin Mommys last blog post..LP #20: Pagliliwaliw (Travel) – Mustangs of Las Colinas

  15. Jacq says:

    Mukhang masaya ang inyong pagliliwaliw…

    Jacqs last blog post..LP 20: Liwaliw

  16. Cookie says:

    Ang gaganda ng mga kuha mo! buti ka p nakanood na ng cinderella :D

  17. Thess says:

    Sister, wow! ang iyong pagliliwaliw!! at ang mga night shots mo, kay gaganda rin!
    Happy LP ;)

  18. Meeya says:

    uy ang galing naman ng liwaliw, i’m sure maraming la sallians ang napa-reminisce sa iyong litrato :) at, ang ganda naman ng view niyo from your condotel.

    LP Liwaliw sa MyMemes
    LP Liwaliw sa MyFinds
    buti na lang mataas yung floor namin kung hindi puro tren ng lrt ang view namin hehe

  19. anj says:

    ang sayang pagliliwaliw! mukhang super enjoy. :D

    anjs last blog post..LP#20: liwaliw

  20. Dyes says:

    buti ka pa, nakakuha ng picture ni lea. baka kasi ma-confiscate ang camera kaya di ko na nilabas. ang galing ng cinderella no? kaya lang, di ko napanood ang first 19 minutes kasi na-late ako ng dating :(

    Dyess last blog post..LP : Liwaliw
    okay lang yung first 19 minutes – wala pa naman masyadong exciting na eksena dun ;D… buti mabait yung mga ushers nung time na yun – daming kumuha di naman sila nagalit sa mga paparazzi he he – baka din kasi dahil matinee maraming bata in the audience. :P

  21. KD says:

    Ang saya ng inyong pagliliwaliw sa Maynila. Sulit ang pagod sa pagbiyahe. Happy LP

    KDs last blog post..LP 19 – Liwaliw

Leave a Reply

*
Powered by Sweet Captcha
Verify your real existence,
Drag some popcorn to the box
  • captcha
  • captcha
  • captcha
  • captcha

CommentLuv badge