Sa linggong ito ang aking lahok ay may kasamang kwentong walang kwenta kasi kalokohan lang. Ito ay isang maikling kwento sa isang araw sa buhay ni TingTing.
Ito si Tingting. Pangarap niyang maging isang sikat na ballerina balang araw kaya’t pilit nyang pinapanatili na magaang ang kanyang timbang. Kahit sya ay nasa handaan namimili sya ng kanyang kinakain para lang hindi sya tumaba kaya hayan ang mga braso tuloy nya parang alambre at ang kanyang mga binti ay parang lapis.
Isang araw naimbitahan si Tingting sa isang handaan at sya’y pinalibutan ng sangkatutak na pagkain. Sa sobrang tagal na nyang pagtitipid sa pagkain di na nya napigilan ang kanyang sarili at inubos nya ang mga banyera ng pagkaing nakapalibot sa kanya. Palihim lang sya ngumuya para hindi sya mahalata at mahuli. Madalas na nyang istilo ito pag sya’y naiimbitahan sa handaan pero sa pagkakataong ito nahuli sya sa akto. Di nya kasi alam may paparazzo sa tabi nya at huling-huli syang may hawak na pagkain.
Mula noon, nagpagawa sya ng paldang malapad na may mga bulsa sa ilalim na may mga maliliit na supot sa bawat bulsa. Doon ay pasimple nyang sinisilid ang mga handang hindi nya mapagpiyestahan ng lantaran at inuuwi na lang nya sa bahay para doon kainin. Take-out na lang di ba?
WAKAS.
Marami pang nakakaaliw na lahok dito. Iklik mo lang ang kamera sa ibaba at makipaparazzi ka na din!

Tags: litratong pinoy, PERSONAL, PHOTOGRAPHY, Pinoy culture


















Nakakatuwang kwento. At least, di sya anorexic o bulimic katulad ng mga modelo at artista. Magandang Hwebes!
Em Dys last blog post..Tukso, Layuan Mo Ako!
Ang galing naman ng maikling kwento mo kay TingTing! Para tuloy naalala ko yung isang pasyente ko na may halos ka-akmang karanasan. Ssshhhhh!
Maligayang Huebes!
Dr Emers last blog post..Slender and Graceful
hahaha, natuwa naman ako sa kwento ni Tingting. Panalo! ^^
maligayang paglilitrato!
ners last blog post..Sexy Siesta
Tingting, di bale kumain ka lang… i’m sure pwede ka pa rin maging isang ballerina kahit medyo bumigat ka ng kaunti. Kung hindi baka gumusto mong sumali na lang sa mga belle star dancers… suggestion lang.
maligayang lp!
Clicking Aways last blog post..LP015 – Balingkinitan
Hangkyut naman ni Tingting!
Whahahaha. Secret pocket? King di ka man magnig ballerina tingting, pwede na din pantuhog ng pagkain…ahehe. Sis, balang araw sana maipon ang mga katha mo…Happy Lp! :w00t:
curious lang ako, gawang Pinoy ba si Tingting?
Linnors last blog post..Balingkinitan
gusto kong malaman kung ano na itsura ni tingting ngayon!…lagi ba shang ganito? hehe, katuwang kwento..pero minsan totoo:) haha!
cess last blog post..LitratongPinoy#15:Slim [balingkinitan]
Naaliw ako sa kwento ng buhay ni tingting! Ipakilala ko siya sa matataba kong manika si ann ann at Kimmy na parehong masiba! haha! magandang araw Teys
Nonas last blog post..Balingkinitan
napaka-balingkinitan nga!
magandang huwebes sa’yo!
lidies last blog post..LP #15 :: Balingkinitan
hehe, tamang tama si tingting… maligayang araw ng huwebes…
linos last blog post..balingkinitan…(slender)
kakatuwa naman ang story ni Tingting.
RoseLLes last blog post..LP: Slender
ang saya ng lahok mo! puwede makipag-friends kay tingting?
galing.
anjs last blog post..LP#15: balingkinitan
Hehehehe, pero grabe siguro ang calcium intake niya, ang nipis ng legs, ‘tas ang tangkad-tangkad pa:D Tibay-lakas! Hehe. Nice entry:D
Ay di ko nabago ung URL, hehehehe. Lipat-bahay kasi ako:D Masayang thursday!
komski kunos last blog post..Iniisip pa lang nakakapapagod na.
nagustuhan ko ang iyong kwento
ang galing!
ang galing! ang ganda pa ng lighting
Dyess last blog post..WW: I Spy
makapag-pagawa na nga rin ng malaking palda, haha!
kaaliw ang kwento mo teys.
LP Balingkinitan sa MyMemes
LP Balingkinitan sa MyFinds
gusto ko si tingting at ang kwento. nakakaaliw. maligayang huwebes!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-15-balingkinitan.html
ang galing naman ng kwento ni tingting!
magaya nga saan ba pwede magpagawa ng paldang maraming bulasa sa iallaim hahah…
Tukayo, wagi ang story ni Tingting!! naaliw ako ha, siguro tuwang tuwa mga anak mo sa iyo kapag bed time story na
Happy LP and weekend sa iyo, muah!
Thesss last blog post..LP 15 Hindi mataba, hindi payat
nakakatuwa naman ang story… may kakilala ako na halos ganyan
ganda ng pagkakakuha ah!
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-balingkinitan.html
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-balingkinitan.html
hahahaha, ayus si tingting ha may story pa.
Paos last blog post..LP #15: Balingkinitan
kakatuwa naman ang kuwento mo:D pero wag ka may alam kong mga taong ganyan. kunwari, pakyut halos hindi kumakain pero iyon pala..nakatago na sa bag ang kakainin hehehehe! halos isang sako pa
Maritess last blog post..Litratong Pinoy #8 Balingkinitan
hehe pwedeng pwedeng isang script sa bubble gum gang, kaya pala malaki ang damit nya madaming compartment para lagayan ng pagkain ;D
ang ganda nya! sigurado, magaling syang sumayaw
misispbs last blog post..SMOKING KILLS!!
TEYS! kahit gusto kong maging sobrang slim ayaw ko naman kasing tingting ni tingting haha!
pero naaliw ako sa kwento mo! happy weekend!
ang cute-cute naman nito! at ang ganda rin ng kwento!
have a great week ahead!
MommyBas last blog post..New look
hahaha.. tita.., ang kulet ng kwento mo!! haha.. ang cute nun picture mu ng ballerina.. :wub:
:happy:
gwayzs last blog post..Amazing Grace – Digishoptalk – The Hub of the Digital Scrapbooking Community
uh bat lumbas un?hahaha.. nd ku lam how un ah?? ei tita..??
hi teys! pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw.
napakapayat naman ni tingting! payat pa sa balingkinitan! hee hee!
Munchkin Mommys last blog post..LP #16 & #17